Special Chappy 6 - 2nd Half of Part 5

2.4K 69 0
                                    

(Thank you for 73K reads 😊😊)

"So, huwag kayong magpakatigas ng ulo ha. Kung biglang ubuhin si Kath, JK, bigyan mo ng Ascof. Nandun lang sa tokador. Kapag nilagnat, bigyan mo ng tempra. Nasa tokador din lang yun. Hmmm...Ano pa ba?" natatarantang wika ni Karylle habang nagbibilin sa mga bata. Ayaw niya sanang may makalimutan siyang sabihin dahil gusto niyang pagbalik nilang dalawa ni Vice galing sa Tagaytay, ay makikita niyang wala gaanong pinagbago ang anyo nila. Buo pa rin.

"Love, naprapraning ka na naman," nagulat naman si Karylle nang nakarinig ng mababang boses mula sa likod niya. Liningon niya ito upang masiguradong hindi ito masamang-loob.

"Haaay. Ikaw lang pala, Vice," ani Karylle matapos bumuntong-hininga.

"Hindi ka na ba nasanay sa boses ko?"

"Ah, hindi naman sa ganun. Nag-change lang talaga. Paos ka ba?" tanong ni Karylle nang mapansin na nag-iba talaga ang bosesng asawa.

"Nagbibinata, keri?" nginitian na lamang ni Karylle si Vice bilang sagot.

"Nagbibilin ka na naman ba ng kung anu-ano?" tanong ni Vice nang maalala ang ginagawa ng asawa kani-kanina lamang.

"Eh, sa gusto kong safe sila," sagot ni Karylle na may pout pa.

"Three days lang tayo mawawala, love. Plus darating dito mamaya sila Ate Babot. You don't have to worry too much," niyakap ni Vice si Karylle sa likod upang siguraduhin itong walang mangyayaring masama sa mga anak nila dahil nandiyan naman ang kanilang mga kapamilya.

"Yieeeee. Daddy, nilalanggam na kami," biglang singit ni JK.

Bumitaw naman agad si Vice nang maalalang nasa harapan pala nilang dalawa ang mga anak nila.

"Wag mong gagawin yung ginawa ko sa kung sino ha. Baka may ipuslit ka rito. Ayoko pang ipamigay ang binata ko," tila nagdradrama naman si Vice.

"Daddy, I'll wait for the right time. I'll wait until the ONE enters my life," wika ni JK na tila bang nag-evolve na from JK to Juan Keither. If you know what I mean.

"Yey, kuya!" cheer ng nakababatang kapatid ni JK na si Kath na buhat-buhat ng una.

"My boy's a man," maluha-luhang wika ni Vice.

"Bakla talaga oh. Tara naaaa," natatawang salita ni Karylle habang hinihila si Vice papalabas ng bahay nila. "Jk, yung mga bilin ko ha. Wag mong kalilimutan."

"Opo, mommy! You can count on me!"

"One more thing," biglang bumalik si Karylle sa loob ng kanilang bahay nang may maalala siya.

"Ano po yun?"

"Don't watch that pabebe loveteam from the other network please. I know their not a big deal anymore but I've seen you watch some of their episodes. Nako-nako sinasabi ko sa'yo, JK. Pag naging Kapuso yang kapatid mo, i---"

"Opo. Opo. Promise!" inilagay ni JK ang kanyang kanang kamay sa ibabaw ng kanyang puso. (Wag yung literal. Maloloka ako sa inyo 😂😂) "Honesto," at itinaas ang kanang kamay na tila nangangako. "Promise!"

"Ayan. Kapamilya," nakangiting sabi ni Karylle. "Sige ha, bye na." wika ni Karylle bago hagkan ang noo ng mga anak niya. Anak nila ni Vice.

Pagkaalis nila sa bahay ay dumaan muna sila sa Viceral's Residence, ang bahay ng pamilya ni Vice, upang magbilin. Matapos nito dumiretso na sila papuntang Tagaytay.

Ilang oras ang lumipas at nakarating na rin sila sa kanilang napiling destinasyon. Namangha naman si Karylle sa kagandahan ng Tagaytay, bagamat hindi ito ang unang beses na nagpunta siya rito. It only proves that, hindi nawawala ang taglay na kagandahan ng Tagaytay. Nagpunta na sila sa mga hotel na kanilang rineservan upang makapagpahinga.

Matapos ang isang oras ng pamamahinga, nagpasya na ang dalawa na mag-ikot-ikot. Napadpad sila sa kung saan-saan na halos mapuno na ang memory ng cellphone nilang dalawa dulot ng maraming litrato na kanilang nakuhanan.

Wala naman masyadong gumagambala sa alone time ng dalawa. May mga nagpapapicture o nagpapaautograph, ngunit iilan lamang sila. Tila hindi masyadong "big deal" ang dalawa roon.

Sumapit na ang gabi at napagpasyahan nilang bumalik na sa hotel na kanilang pagtutulugan. Pasalampak na nahiga ang dalawa ng sabay nang nakarating na sa kanilang kwarto.

"I had so much fun," biglang salita ni Vice bago tumingin sa kinaroroonan ni Karylle.

Nag-abot naman sila ng mga tingin.

"Me too."

"When was the last time I felt so happy? Ah. Bago nung insidente," ani Vice.

"Hindi ko talaga sinasadya yung nangyari noon. Kundi dahil sa akin, hindi sana tayo nag-away," ani Karylle bago ilipat ang tingin sa kisame.

"No. Um...well, this whole fight thing, kasalanan ko 'to. I'm so sorry at hindi ako nakinig sa'yo. Gago talaga asawa mo eh. Laging pinangungunahan ng galit, ng selos," pag-amin ni Vice.

"Alam kong mag-aaway na naman tayo pag sinabi kong ako yung may kasalanan," natawa silang dalawa bigla. "So, we shouldn't blame anybody. Hindi natin ginusto ang nangyari. Ian said his apologies and I accepted it. So dapat, ceasefire na talaga."

"Tama ka. So like, husband and wife?"

"Huh? Anong husband and wife?" muling ibinaling ni Karylle ang tingin kay Vice. Naguguluhan kasi siya sa sinabi nito. "Kasal na tayo. So, of course, we're husband and wife!"

"No. Ano kasi....di ba sa mga movies or tv series na english, pag nagbabati ulit, sinasabi nilang 'friends?'. Look at us now. Nagbabati na tayo. And I'm pretty sure hindi lang tayo friends kaya I'm changing that to husband and wife, kasi yun yung status natin," agad naman niyang naintindihan ang mensaheng gustong ipahatid ni Vice. "So, anong isasagot mo? Husband and wife?" strinetch out ni vice ang kanang kamay niya to initiate a handshake.

Agad naman itong tinanggap ni Karylle at habang nakangiti, sinagot si Vice ng:

"Husband and wife. I love you."

"I love you too,so much more than you know."




Agad namang pumaibabaw si Vice sa kanya at akmang hahalikan siya nang,


















Takpan niya ang sariling bibig.

















"Hindi mabango hininga ko. Malagkit na ako. Maliligo muna ako," agad namang itinulak ni Karylle si Vice na napaupo at natatawang tinignan si Karylle na tumakbo papuntang CR upang maligo at mag-toothbrush.


















(Bawing-bawi na ba mga tey? Hala eh, next UD ulet. Appetizer lang kasi toh. Haha. Hindi dapat 2nd half pinangalan ko dito eh 1/3 lang toh nung part 5. Pano na yan eh, tawag ko sa next chappy 1/3 of part 5. Okey lng ba? Hahaha. Sige po. No promises at baka hindi matuloy. Anyways, binigay ko yung daot na mukhang type niyo hahaha. Sige po, next UD ulett 😊😊)

Left Behind || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon