Special Chappy 8 - Part 6

3.3K 51 14
                                    

(A/N: ANG SAMA SAMA KO GUYTH HAHAHAHAHA 2 MONTHS? 2 MONTHS WALANG CHIKAHAN TELEGE HAHAHHAA. SO LIKE DAMI NANG NANGYARI, ENGAGED NA BICOL AND ERWANNE AND BINALIK NA SINE MO TO PERO EXPOSURE NI MOMMY K EH NGANGA SO HEH. ANYWAYS, HETO NAH HAHAHAHA NATATANDAAN NYO PA BA HULING NANGYARI? OH SIGE MAMAYA NA CHIKA.)















Ang Nakaraan....

Nagbakasyon ang mag-asawang Viceral upang maibalik ang tamis ng pag-ibig nila na nawala dulot ng maliit na di pagkakaintindihan dahil sa pambabastos ng kaibigan ni Karylle na si Christian sa kanya. Naudlot ang 'pag babasketbol' ng mag-asawa nang dumating ang kanilang dalawang anak na si JK at Kath. Ang araw na dapat nakalaan para lang sa mag-asawa ay naging family day dulot ng pagdating ng dalawa. Masayang-masaya na sila hanggang sa...



















Nagpakita muli ang putanginang gagong bumastos kay Karylle.








Si Christian.














Naglalakad ang pamilya Viceral sa isang Night Market. Nakacap si Karylle at nakashades at si Vice naman ay nakascarf, shades, at cap upang walang makakilala sa kanila. Iniiwasan lang naman nilang magkagulo ang mga tao. Nagpatuloy sila sa paglalakad nang may nakaakit sa mata ni Kath.

"Mommy! Y-yung teddy bear! Kyut kyut po oh!" wika ng bunso nilang anak.

"Oh tapos?" natatawang sambit ni Karylle dahil alam na niya kung ano ang gusto ipahiwatig ng anak. Alam kasi ni Karylle na mahilig si Kath sa mga Teddy Bear.

"Ehhhhhhhhhh!!" natawa naman ang mag-asawa kabilang na si JK.

Naglabas naman agad ng pera si Vice mula sa kanyang wallet at iniabot ito kay JK.

"Samahan mo yung kapatid mo bumili ng teddy bear. Bantayan mo 'yang kapatid mo ha, wag mong awayin!" bilin ni Vice sa panganay na anak.

"Opo, daddy," pagsang-ayon ni JK bago akbayan ang kapatid na babae.

Tumungo na ang dalawa sa tindahan ng mga teddy bear. Naiwan naman ang mag-asawa na nakatayo habang tinatanaw ang dalawa.

"Malalaki na ang mga anak natin oh," tila naluluhang salita ni Karylle.

"Malaki ka diyan, baby pa yung isa huy," kontra ni Vice sa asawa. "Baby pa 'yan hangga't sa may pumasa sa akin na boyfriend niya."

"Hoy! Ano ba? Wag naman sana ngayon. Ang bata-bata pa ng anak mo," natatawang sambit ni Karylle matapos hampasin ang braso ni Vice.

"Exactly what I'm implying," sabi ni Vice bago iharap si Karylle sa kanya.
"Bata pa ang mga anak natin. Wag mo munang isipin na malalaki sila dahil mas lalong bibilis ang pagtanda ng mga 'yan. Habang nasa bahay pa sila nakatira, mga baby pa rin natin sila," makabuluhang wika nito.

"Oo nga naman," pag sang-ayon ni Karylle.

Nang muling ibalik ng dalawa ang tingin sa tinunguhan ng mga anak, nagulat na lamang sila ng nakitang may gulo sa banda roon. Napatakbo ang dalawa upang tignan kung ano ito at upang makita kung maayos lang ba ang kalagayan ng dalawang anak.

Pagkarating nila roon, mas lalong nanlaki ang kanilang mga mata nang nakita nilang si JK pala ang nagdulot ng gulo. May kasuntukan kasi itong lalaki. Habang si Kath naman ay nasa gilid, yakap-yakap ang teddy bear na kanilang binili.

"Juan Keither!" sigaw ni Vice gamit ang mababang boses nito.

Ngunit hindi pa rin tumigil si JK na tila walang narinig sa pagsabunot sa lalaking iyon. Ano bang nagawa ng lalakeng iyon na nagpagalit kay JK ng sobra-sobra?

Left Behind || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon