Chappy 3 - ViceAnne [Updated]

5.2K 117 4
                                    

Vice's POV

Oh may gahd.

Karylle Tatlonghari.

Kissing scenes, love scenes, romantic scenes.

Gahd. I wish this would last forever.

Ang saya-saya ko ngayon. May kakaiba akong nararamdaman.

Saya, kaba. Halos lahat naghalo-halo. Masayang-masaya ako na si Karylle ang napiling partner ko para sa project na ito. NAKAKAEXCITE.

Hindi ako makatulog. Nakailang-ikot nako sa kama ko pero wala pa rin, di parin dinadatnan ng tulog si Viceral.

Oh Karylle.


Hanggang sa naalala ko. May pagkakamali pala ako.

Sobrang laki na pinagsisihan ko.

Galit ba siya sakin? Sus. Tatanga-tanga na naman ako. Syempre naman! Aba! Iniwan mo siya pagkatapos niyang ibigay ang lahat!

Ayan. Baliw ka na talaga, Vice. Pati sarili mo kinakausap mo.

Tumayo ako at kinuha ko ang aking cellphone. Lumabas ako ng kwarto ko, nagtungo sa veramda, at tinawagan ko si Ngangabu.

"Anne?"

"Anong kailangan mo at nambubulabog ka ng ala una ng umaga? Vice, kahihiga ko pa lang. Hindi ba dapat natutulog ka na?" Irita niyang sabi pagkasagot niya sa kanyang cellphone.

"Eh yun nga. Di ako makatulog. Kailangan ko ng kausap." Sabi ko ng mahinhin.

"Tungkol saan na naman 'yan?" Maririnig ang iritable niyang pagsagot mula sa kabilang linya.

"Sa partner ko dun sa project." Ani ko.

"Oh?" Mukhang di talaga siya interesado.

"Si Karylle." Napakagat-labi ako nang nasabi ko yung pangalan niya.

"PAKSHEYT." Rinig na rinig ko ang malakas na pagsigaw sa kabilang linya na para bang may nasusunog.

"OHMAYGASH. NABUHAYAN AKO NANG SOBRA VICE. I'LL BE RIGHT THERE." Sabi niya bago maibaba ang telepono.

Hay naku, mag-aaligaga na namang pumunta yun rito.

At hindi nga ako nagkakamali, pagkatapos ng ilang minuto may nagdoorbell.

"HOY BAYS." Sigaw nang babaeng nagdodoorbell.

"Pakshet ka rin, Anne, kung minsan." Sabi ko pagkabukas ng pintuan. "Ala una na oh, nagsisisigaw ka pa diyan."

"Basta VICERYLLE game ako! Kahit anong oras!" Sabi niya habang naglalakad papasok ng condo ko.

"Wala ka pa ngang tulog eh." Sabi ko bago maupo sa tabi ni Anne sa sofa.

"Walakompake." Mukhang nagfafangirling na naman 'to. "Dali na. ISHARE NA YAN."

"Well, si Karylle nga kapartner ko."

"And?" Nagpakita siya ng mukha sa akin na para bang may gustong marinig mula sa akin.

"And what?"

"JOSE MARIE VICERAL! Ikaw si JOSE MARIE BORJA VICERAL!! DO SOMETHING ABOUT IT." Sigaw ni Anne.

"Huy. Hinaan mo naman boses mo, sisterette at marami akong kapitbahay." Sabi ko. "At liitan mo na rin bunganga mo't baka mavacuum mo pa ako paloob!!!"biro ko kaya nakaramdam ako ng konting sabunot sa buhok.

"Che." Sabi ni Anne. "OHMAYGAS. Kinikileg ake supahhh!!!" Pag-o OA nito.

"VICERYLLE shipper talaga." Napangiti na lang ako. "Anyway, clueless ako kung bakit hindi ko alam na nagshowbiz si Karylle."

"Cuz you were in the States wasting your life." Pang-aasar naman ni Anne.

"At para namang alam mo?"

"Duhhhh. Of course, Vice!" Sabi ko.

"At bakit naman di mo ko sinabihan?"

"I wanted you to find it out yourself!" She sxclaimed. "Look, she actually appeared in musicals like Kitten Musical and Seen-derella. She appeared in Buwanang Dalaw as Modess."

Napatango na lang ako. Sasakyan ko na rin ang trip ng sisterette kong ito na mag-english.

"Well then, How'd she enter showbiz?"

"She was always rejected in most of the auditions she tried out for. It was because if her getting too much carried away because she was SOOOOOO DEVASTATED." Sambit niya. "Then the VOICE came and she auditioned for it. Unexpectedly she won and it opened up a lot of oppurtunities for her."

"Ahw okay." Wit ko keri mag-Ingles supah.

"You give up?" Tanong ni Anne na para bang alam niyang pinagtritripan ko siya.

"Oo na po. Dyosa ng kagandahan. Dyosa ng kainglesan!!!" Nag-act ako as if nag-bobow down ako sa kanya.

"Hehe" Tumawa na lang siya.



(Ctto po yung vid.... I'd like to share the vid din po cuz dyan ang pogeh ni Daddeh Vice.)

Left Behind || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon