Chappy 5 [Updated]

4K 112 2
                                    

"Baby, I'll be home early today."

"I'll bring home your favorite desserts tonight, baby."

"I love you, baby."




May iba na ba talaga siya?

Tanga ka kasi, Viceral!

Mas ginusto mo ang kayaman at kasikatan! Di karin naman sasaya roon!

Nababaliw na ata ako. Kausapin ko ba naman ang sarili ko? Haaaaay. Baliw na talaga ako. Baliw na baliw.

Baliw na baliw kay Karylle.

Baliw na baliw nang dahil sa narinig ko.

Bumalik ako sa DR ko at napaupo sa couch and I buried my head unto my hands.

"Problema mo?" Pumasok naman bigla si Billy Crawford.

"W-wala. W-wala." Tinaas ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Hoy bestie. Magbestie tayo kaya please wag mo kong ineechos." Naupo naman siya sa couch.

"I don't understand what I'm feeling." Pag-amin ko kay bestie.

"What are you feeling?"

"I dunno."

"Then how do you expect to understand that feeling if you have absolutely no idea what you're feeling?" Isa pang inglishero 'tong bestie ko.

Bakit ba naman kasi ako naging close sa mga taong ingleshero't inglishera kung hindi ko naman pala keri ang mag-ingles??

"Nosebleed, teh." Biro ko. "Pwede bang ganito na lang?"

"Oh ano?" Nagtaas siya ng isang kilay.

"Anong mararamdaman mo kung narinig mo na may kausap ang ex mo sa telepono na tinatawag niyang baby? Tapos mahal mo parin yung ex mong yun?"

Nagisip-isip naman si Billy.

"Aba ewan." Napafacepalm na lang din ako.

"Shunga," sabi ko. "See?? Ganern."

"Pero teka lang ha. Etong ex mong ito, kilala ko ba ha?" Tanong niya sakin habang lumalakad ng papalapit.

"Oo naman." Kampante kong sagot.

"Babae o lalake?"

Hindi ko alam pero biglang naging pasmado ang aking mga kamay.

Napalunok ako bago sinabing: "Babae." Na para bang bulong.

"Sabi na nga ba." Sabi niya. "Your fault."

"I know right."

"Look, ikaw kasi, tatanga-tanga. You do have an idea what wealth means right? Dapat pinahalagaan mo yun. Yung wealth mo noong mga araw na iyon ay si Karylle. Pero anong pinili mo? Money. Fame." Sabi niya sa akin. "Hinding-hindi mo na maibabalik ang nakaraan. May pagkakamali ka at kailangan mong tanggapin yun. At lalong kailangan mong tanggapin ang mangyayari pagkatapos nun. The pain's part of your past. The pain's still part of your future." Payo sa akin ni Billy.

Karylle's POV

Tuwang-tuwa kong sinagot ang phone ko ng nakita kong tumatawag si JK.

"Hewow po, mommy!" Sagot ng anak kong makulit sa kabilang linya.

"Hello, baby!" Sagot ko. "Baby, I'll be home early today!"

"Weally, mommy? Yeheyy!!!" Rinig na rinig kong sigaw ni JK sa cellphone.

"I'll bring your favorite desserts tonight, baby!" Sinorpresa ko siya at napasigaw na naman siya.

"Mommy! I wub wu, mommy! Supah. Supah wub wu!!!" Sabi ng anak ko.

Napangiti naman ako ng ngising abot tenga.

"I love you, baby." Sabi ko. "I love you too."

Wala talagang makakapagpasaya sakin kundi si JK lamang. Oo, si JK. Juan Keither. Initials namin ng tatay niya.

Ng tatay niya.

Ng tatay niyang gago.

Ng tatay niyang walang hiya.

Nasaktan ako. Sobra-sobra. Sabihin na lang natin, sa mga araw ng pagbubuntis ko, wala ang tatay niya. Nandun. Naghahabol ng pera. Naghahabol ng kasikatan. Tapos dito, may iniwan siyang mag-ina. May iniwan siyang anak na hindi man lang niya alam na ipinanganak.

Oo. Wala siya kaideya-ideya na may anak siya. Kasi nga, nangiwan.

Tapos ngayon? Babalik. Ano ba ako? Tourist spot? Pwedeng umalis at pwedeng bumalik kahit walang pahintulot? My God. Ang gulo-gulo (ng author) ng storya ng buhay ko.

May biglaang papasok. Nang walang paalam. Tapos biglaang aalis lamang. Nang walang paalam.

I might sound like bitter b*tch from Miami but It's what I feel. Kailangan kong ilabas yan somehow.

SIGAW.

GALIT.

LAHAT NG PARAAN.

Maipakita lang na ayoko na. Ayoko na talaga.

AYOKO NA.

Left Behind || VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon