"Trouble"

1.9K 46 6
                                    

Follow niyo po ako guys, and comment down bellow if gusto niyo po idedicate ko sa inyo yung chapter ko =) I'll try my best na mas mabilisan pa yung pag uupdate medyo busy po kasi eh. hehe, tsaka gumawa din ako ng Nashlene video kasi medyo nag fit yung song sa mga clips na nakuha ko from youtube so naisipan kong gumawa ng video. Don't forget to check that out too. Anyway ENJOY CHAPTER 4

-----

"huy…anong nangyayari?" Tanong ni Alexa na halatang magpapanic na.

"Ayaw… umandar ng makina." sagot ni Nash.

"ANO?!" Sabay naman react ng 3 girls.

"Papano tayo makakabalik dun sa resort nito?ayokong manatili sa isla na 'to." Sabi naman ni Mika.

"Relax, okay?" Sagot ni Jairus.

Dinukot ni Mika ang kanyang cellphone sa bulsa at chineck kung meron bang signal, pero wala… Agad itong napakamot sa buhok. "Aish! Bakit pa kasi sumama ako." Sabi niya.

"Teka, baka naman pwede tayong maka hingi ng tulong dun sa bahay na yun." Sabi ni Sharlene.

"Oo nga noh? Tara." Sabi naman ni Francis.

Naglakad sila papunta sa may mga bahay, napansin nilang walang tao doon kaya naisipan nilang tumambay muna habang nag aabang ng dadaan na bangka.

"matulog na nga muna nga lang tayo, baka mamayang umaga may dadaang bangka." Sabi ni Jairus.

Humanap sila ng banig doon sa bahay pero unan lang ang nahanap nila, maalikabok nga lang yun pero pinag titiisan nalang nila.

may dalawang kwarto ang bahay na iyon kaya separated ang boys at girls, madilim at luma ang style ng bahay kaya nakakakilabot din tignan.

********

Di nag tagal ay nakatulog na silang lahat maliban kay Sharlene. Ipinilit ni Sharlene ipikit ang mga mata pero nabobother ito sa nakaka kilabot na ingay mula sa labas. Bumangon siya at tinignan ang best friend kaso tulog na tulog na ito, naisipan niyang lumabas sa kwarto at tumambay muna sa maliit na sala doon sa bahay na iyon, maalikabok ang sala at medyo sira na rin.

Maya maya ay lumabas si Nash sa kwarto nila, nagulat siyang may babaeng naka upo doon sa sala at na realize niyang si Sharlene lang pala.

"Oh? Ba't gising ka pa?" Tanong ni Nash.

"Di ako maka tulog… may naririnig akong nakakatakot na ingay." Sagot ni Sharlene sa ex-best friend.

"Naririnig mo rin pala yun? Tsk. ako nga eh, yun din yung rason kung bakit di ako makatulog." Sabi ni Nash.

Di na sumagot si Sharlene, nakatunganga nalang ito sa pinto.

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon