"Another Chance?"

981 30 2
                                    

Matamlay na lumabas itong si Sharlene sa banyo, bagong ligo at naka bihis na ito. Nang naglakad ito papalapit sa best friend niya ay nakaramdam ito ng sakit sa ulo at napapikit na lang siya.

"Okey ka lang?" Tanong ni Alexa sa best friend.

Tumango lang ito at di nakapag salita. "Medyo masakit lang ang ulo ko." Sagot ni Sharlene.

"Sharlene?" Lumapit naman si Nash sa kanya, pipigilan sana ni Alexa pero pinabayaan nalang niya para na din sa ikakasaya ng best friend niya.

Umatras si Sharlene at tinignan si Nash ng masama, "Bakit ka pa nandito?" Ng tumingin naman siya sa likod ni Nash ay nandoon si Mika.

"Siya ba? Siya ba ang reason kung ba't ka nakipag break saakin? Eh parang pinaglalaruan mo lang pala ang puso ko eh, sana naman sinabi mo para naman na orient ako kahit papano." Sabi ni Sharlene.

"Sharlene, hindi… mahal kita." Sabi ni Nash, tumulo na ang luha nito mula sa kanyang mga mata, mukhang nagmamakaawa at nalulungkot.

"Mahal? Mahal ba yung tawag mo sa ginawa mo saakin?" React naman ni Sharlene.

"Kasalanan ko…" Biglang nagsalita si Francis, hindi niya magawang tignan si Sharlene dahil hiyang hiya siya dito. "Tinawagan ko si Nash, sabi ko sa kanya kapag hindi ka niya hihiwalayan masisira ang the breakers… Ginawa ko lang naman yun kasi nagalit ako sa kanya nung mga panahong yun." dagdag ni Francis.

"Kahit na… sana pinaglaban lang man niya ako. Kung talagang mahal niya ako pinaglaban niya ako!" Sabi ni Sharlene. "Ang hirap sayo Nash ang dali para sayo na iwanan ako sa ere, simula dati pa…" dagdag ni Sharlene.

Biglang itong nag walk out si Sharlene pero bago pa ito maka labas sa pinto ay natumba na ito.

Nagmadali naman si Nash na saluin si Shar, nawalan agad ito ng malay ang dalaga.

"What did she take?" Tanong ni Nash.

"H-hindi ko alam, basta nung nakita namin siya ay amoy sigarilyo na ito at walang malay na naka higa sa dating caf table." Sagot ni Alexa.

Inihiga na ni Nash itong si Sharlene sa kama, hindi ito umaalis hanggat di siya gumigising.

"Nash, uwi na ako mag e-eight na eh, baka pagalitan na ako nila mama." Sabi ni Mika.

"Hatid na kita." Sabi ni Jairus.

Umalis na sina Jairus at Mika… 

"Tatawagan ko nalang si mama, sasabihin ko nag se-sleep over kami dito." Sabi ni Alexa.

"Tawagan mo na rin ang parents ni Shar para di ito mag alala." Sabi ni Nash.

Tumango naman si Alexa at dumeretcho sa labas.

"Ibibili ko nalang kayo ng pagkain." Sabi ni Francis.

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon