"Back To Normal?"

1.5K 38 7
                                    

Shoutout to Nicole Louise Aguas salamat dun sa comment mo nakakataba ng heart, and sa iba din, THE BEST TALAGA KAYO WATTPAD PEOPLE :D eto na yung next chapter sana naman magustuhan niyo. =) 

----------------------

Pag gising nila sa umaga may napansin silang bangka na nag stop sa islang 'yon, mga mangingisda. Agad silang nagsitakbuhan sa may dagat.

"Manong, san po ba balik niyo?" Tanong ni Francis.

"Ay dun sa… teka, kayo yung… tama, kayo nga yung hinahanap ng isang guro dun sa resort na pinagtatrabahu-an namin." Sagot ng mangingisda.

"Ah, ganun po ba? pwede po ba kaming makisakay pabalik?" Tanong ni Nash.

"Oo naman, sige. babalik na din kami ngayon din. Sumakay na kayo" Sagot naman ng mangingisda.

Pansin ni Nash na masama ang pakiramdam ni Sharlene, gusto niya sana itong lapitan kaso ayaw niya namang mag simula ng gulo… Nag senyas ito kay Alexa para lapitan si Sharlene.

"Be, okey ka lang?" Tanong ni Alexa.

Di makapag salita si Sharlene dahil ramdam niya na mataas ang lagnat niya, umiling nalang ito ng dahan dahan.

"Mataas yata ang lagnat ni Shar." Sabi ni Jairus, hinubad niya ang varsity jacket niya at isinuot kay Sharlene.

Masakit para kay Nash ng makita niyang may nagawa si Jairus para sa babaeng mahal niya at heto siya nakatingin lang from a distance, ni masabi lang sa kanya di niya magawa eh.

Bigla naman siyang nilapitan ni Mika, ngumiti lang ito.

"Okey ka lang?" Tanong ni Mika.

"Oo naman…" Sagot ni Nash.

"Uuwi na talaga tayo, i hope umm…everything will be back to normal." Sabi ni Mika.

Na distract naman ito ng bigla niyakap ni Jairus si Sharlene, "Ah…Oo." Sabi ni Nash, napatingin nalang siya sa dagat pagkatapos ito makipag usap kay Mika

Maya maya'y nakarating na rin sila sa resort, nagsipuntahan ang ibang estudyante at si Miss Kasimsiman palapit sa kanila.

"Alam niyo bang nag alala kami sa inyo, lalo na ang mga parents niyo…" Sabi ni Miss Kasimsiman.

"Sorry po Miss." Sabi ni Francis.

"Oh Sha, mag pahinga muna kayo at bukas na bukas ay uuwi na rin tayo, others… follow me sa function hall." Sabi ni Miss Kasimsiman.

*****

Sa boys quarter…

napahiga nalang sila Nash, Jairus at Francis sa iba't ibang kama, hindi nila alam kung sinong naka higa dito before them pero they didn't care.. they we're tired and they needed rest.

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon