"Bad Vibes"

2.6K 49 6
                                    

"Aaaiish! late na 'ko, patay ako nito kay coach kapag ma lelate ako." Sabi ni Sharlene sabay kamot ng kanyang ulo.

Nagmadali itong bumaba at kinuha ang kanyang back pack.

"Anak, di ka ba mag aalmusal?" Tanong ng kanyang ina.

"Ah ma, hehe. hindi na po. Ma lelate na po ako, sige po. Bye ma." Sabi nito habang nagmamadaling lumbas ng bahay.

"Haaay, ang tagal mo… kanina pa ako naghihintay sayo." Sabi ni Alexa.

"Sorry bes ha? medyo na late ako ng tulog kagabi dahil sa story sa english." Sagot naman ni Sharlene.

"Eh bakit naman kasi kagabi ka pa gumawa? eh sana ginawa mo na nung other week, tsaka matagal na din yan pinagawa sa atin." Sabi naman ni Alexa.

"Sorry po miss genius pero wala po akong ideya kung ano ang ilalagay sa story kaya yun." Sagot naman nito sa best friend.

"Hay, ewan ko sayo. tara na nga!" Sabi ni Alexa.

*

Ng pumasok sila sa campus ay agad nilang nakasalubong ang grupo ni Nash kasama ang kanyang girlfriend.

"Hay bes, ayan ka na naman… tulala." Sabi ni Alexa pagkatapos batukan ang best friend.

"Aray, sakit nun ah?" Napakamot ito sa ulo, "Eh pano naman? simula nung naging popular yang si Nash eh di na tayo napapansin…" 

"Asus, ang sabihin mo… may gusto ka lang talaga sa kanya. Ay este, matagal mo na siyang gusto pero di mo makuhang aminin ito sa akin o kahit man lang sa sarili mo." Sabi ni Alexa sa best friend, "Alam mo bes, kilala kita eh… alam ko, na… nasasaktan ka kapag nakikita mo silang dalawa." 

"Ano? Ikaw talaga bes, kung ano ano ang iniisip mo." Sagot nito sa best friend sabay tawa na halata namang dinedeny.

"Ewan ko sayo… tara na't malelate na 'ko dun sa club meeting namin, tapos may practice ka pa." Sabi ni Alexa kay Sharlene na pinagpapawisan na.

"Sige bespren ah? mauna na 'ko." Paalam ni Sharlene.

*

Habang naglalakad itong si Sharlene, napansin niyang wala ang cellphone nito sa bulsa ng uniform niya, sinubukan niyang hanapin ito sa kanyang bag.

"Asan na ba yun…" Sabi nito sabay halughog sa bag habang naglalakad.

*Boogsh*

(o__o)

"S-s-sorry." Sabi ni Sharlene sa nakabangga niya.

"Ano ka ba San Pedro, di ka naman nag iingat eh… tignan mo anong ginawa mo sa libro ng girlfriend ko." Reklamo ni Nash 

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon