"Fix You."

694 35 6
                                    

nakarating na si Sharlene sa floating cottage nagulat siya dahil ang naka prepare sa table ay para sa dalawang tao lang.

"Kuya, ba't dalawa lang?" Tanong niya sa waiter.

"Ay ma'am eh yun lang po yung naka reserve eh. Sige po." sumakay na sa jetski yung waiter at bumalik sa resort.

Pumasok na si Sharlene sa loob at nagtaka kung bakit dalawang kwarto lang ang nandoon, dumeretcho naman siya sa isang kwartong naka bukas at iniwan ang mga gamit doon at pagkatapos ay dumerecho siya sa living room area at pina andar yung TV.

Sa loob ng kabilang kwarto ay naka higa lang si Nash at chineck yung instagram account niya, nagulat nalang siya na may nagpa andar ng TV sa labas, agad siyang lumabas at nagulat siya ng may makita siyang naka upo na babae.

"Excuse me miss? naliligaw ka ba?" Tanong niya dito.

lumingon si Sharlene at nagulat sila pareho.

"Anong ginagawa mo dito?!?!" Sabay nilang tanong.

"Huy anong ako? eh ikaw nga 'tong nandito eh! Siguro sinusundan mo ako noh?" Sabi ni Nash.

"Hoy kapal ng mukha mo!" Sagot ni Sharlene.

-

Nag gather gather sila sa bar ng resort at biglang naka tanggap ng tawag si Jairus.

"Oh ano?" Inro naman ni Jairus. "Oh sige, pabayaan niyo nalang ang dalawa… magkaka ayos din yung mga yun… Oh sige, bye." 

"Oh ano daw?" Tanong ni Francis.

"Nag aaway na yung dalawa eh sabi ko na pabayaan na yung mga yun." Sagot ni Jairus.

"Ah,excuse me…" Sabi ni Mika bago ito nag walk out.

"Wait lang guys ah? susundan ko lang." Sabi ni Jairus bago niya ito sinundan.

"Alam mo feeling ko may namumuo ng something sa dalawang yun eh." Sabi ni Francis bago niya tinikman yung wine sa hawak niyang wine glass.

"Selos ka naman…" Sabi ni Alexa.

"Ako magseselos? ba't naman ako magseselos eh nanjan ka na." Sabi ni Francis.

"Ha? ano sabi mo?" Tanong ni Alexa ulit.

"Ah wala sabi ko ubusin nalang natin 'tong wine baka ma panis to." Sagot ni Francis.

"Ay ayoko nito, masama akong malasing." Sabi ni Alexa.

Tumawa naman ng malakas si Francis ng parang natamaan na talaga ng alak, "Pansin ko nga eh…" Sabi ni Francis.

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon