Secrets

1.5K 41 6
                                    

last update was insaaaane, maraming maraming salamat sa VOTES and COMMENTS niyo and also SHOUTOUT TO I_LOVE_NASHLENE maraming salamat sa comment mo nakaka happy ka ng heart =) Heto na po ang next chapter ng STRANDED.

---------------------------------------

"Tungkol saan?" Tanong naman ni Sharlene.

"Tungkol dun sa lalaking gusto mo…" Sagot ni Nash.

"Nash… Sabi ko naman sayo diba, tinatry ko na makalimutan siya." Sabi ni Sharlene.

"Paano kung sabihin ko na gusto ka rin niya? Paano kung sabihin ko na… matagal ka na niyang gusto." Sabi naman ni Nash.

Nagulat naman si Sharlene sa mga sinabi ni Nash, di siya maka imik at nakatingin lang ito sa kanya.

"Alam ko na ako yung lalaking yun…" Sabi ni Nash.

"Papano--"

"Di na importante yun, basta ang mahalaga… mutual ang feelings natin para sa isa't isa." Sabi ni Nash.

"Pero… papano si Mika?" Tanong ni Sharlene.

"Okey na kami… nag usap na rin kami ni Mika tungkol dito." Sagot ni Nash.

"Nash… ewan ko… natatakot pa kasi ako sa mga mangyayari eh." Sabi ni Sharlene.

"Wag kang matakot… Di ka naman nag iisa eh… nandito ako, sabay natin haharapin ang mga problema, okey?" Sabi ni Nash.

Ngumiti naman si Sharlene.

"So… i have one more thing to ask." Sabi ni Nash.

"oh? ano na naman gun?"Tanong ulit ni Sharlene.

He got down on one knee, sob rang nagulat naman si Sharlene ng may dinukot si Nash sa bulsa niya.

"Will you be my girl?" Tanong ni Nash habang ni reveal niya yung necklace sa box.

Familiar naman para kay Sharlene yung necklace na yun, di siya nagkakamali… yun yung necklace na pinakita ni Nash sa kanya nung mga bata pa sila, binigay yun ng lolo ni Nash sabi daw ng lolo niya ibibigay niya lang 'to sa babaeng mahal na mahal niya.

"Hindi--Hindi mo 'to binigay kay Mika?" Tanong ni Sharlene.

Nakaluhod pa rin si Nash, "Hindi, i was a bit unsure… pakiramdam ko na hindi magiging masaya si lolo kapag ibinigay ko 'to sa kanya… Pero ngayon i'm sure, sabi pa nga nila It's good to be inlove with your best friend… so ano? is it a yes?" Tanong ni Nash.

Abot tenga naman ang ngiti ni Sharlene, "Oo na." Sabi ni Sharlene.

Napatayo naman si Nash, "Oo?!" 

"Oo." Natawa naman si Sharlene sa pag sagot niya.

"Yes!! WOOHOOO!" Sigaw naman ni Nash at niyakap niya agad si Sharlene.

"Pero pwede bang wag na muna natin itong sabihin sa iba? Natatakot kasi ako eh…" Sabi ni Sharlene.

"Tungkol ba kay Jairus?" Tanong ni Nash.

"Oo, isa na rin yun… ayoko kasing mag away kayo ulit." Sabi ni Sharlene.

"Magiging mahirap din 'to… but di ako susuko… di tayo susuko…" Sabi ni Nash at niyakap niya ulit si Sharlene.

*****

Later that night…

"Nash, tol… pwede ba tayo mag usap?" Tanong ni Francis.

"Oh?"

"Sorry tol ah, na di ko sinabi sayo…" Sabi ni Francis.

"Okey na tol, wala na yun…" Sabi ni Nash. "Tol, sana di mo pababayaan si Mika." 

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Francis.

"We've talked about it at pareho naming tanggap ang fact na di na talaga mag wowork ang relationship namin… na mas makakabuti kung magiging magkaibigan nalang kami." Sagot ni Nash.

"Parang malabo na rin eh… alam ko naman na hanggang best friend lang yung turing niya saakin…" Sabi ni Francis, "Mas makakabuti na mag let go nalang siguro ako." 

"Eh di naman masama kung di mo siya itatry na tanungin diba?" 

"Oo nga, eh paano kung matalo ako? paano kung di niya talaga akong gusto as more than a friend? eh di ako naging tanga dun." Sabi ni Francis.

"Well… sabagay, pero depende lang yun sayo dude. Sige, mag aayos pa ako ng gamit ko eh." Sabi ni Nash bago ito umalis.

Lumabas naman itong si Francis para magpahangin ng madatnan niya si Alexa na lasing na lasing, suka ito ng suka sa gilid ng boys quarter, halatang papunta na sana ito ng girls quarter, agad naman niyang tinulungan ang dalaga.

"Alexa, huy! okey ka lang?" Tanong ni Alexa.

Iyak naman ng iyak itong si Alexa, parang may sinasalita pero di naman maintindihan ni Francis. 

"Ano? Alexa…" Sabi ni Francis.

"Layu-an mo nga ako! Eto nanaman eh, gagamitin mo nanaman ako? I'm so stupid i fell for you." Sabi ni Alexa.

"Huh? Alexa, ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ni Francis.

Bigla namang dumating itong si Sharlene, "Huy, anong ginawa mo?" Tanong ni Sharlene kay Alexa.

"Ewan ko eh nadatnan ko na 'tong ganito eh." Sagot ni Francis.

"Alam ko naman eh, hindi naman ikaw ang tinatanong ko." Sabi ni Sharlene, medyo natatawa ang mukha.

"Bakit ka na lasing?" Tanong ni Sharlene.

"And bebe saves the day… What would i do without you…" Sabi naman ni Alexa.

"Sige Francis, salamat… ako na bahala dito." Sabi ni Sharlene.

"Kaya mo? tutulungan na kita." Sabi ni Francis.

"Ah, eh…" 

Kinarga agad ni Francis si Alexa at hinatid sa girls quarter, wala pang mga tao doon… Buti nalang ay busy si Miss Kasimsiman dahil nakipag usap pa ito sa may ari ng resort.

Kumuha agad si Francis ng mainit na tubig para mainom ni Alexa habang si Sharlene naman ay pinunasan siya.

"Ay nako… eto na nga ba ang kinakatakot ko." Sabi ni Sharlene.

"Bakit? ano bang meron?" Tanong ni Francis.

Huminga naman si Sharlene ng malalim, "None of your business." Sagot ni Sharlene.

"May care ako sa kanya Sharlene…" Sabi ni Francis.

"Eh sana naman binantayan mo siya kanina." Sabi ni Sharlene.

"Eh di ako pumunta sa party… masyadong occupied ang utak ko para maki join sa mga party na yan." Sabi ni Francis.

"Ah okey." Sabi naman ni Sharlene

"Sige Shar, babalik na 'ko sa boys quarter mag aayos pa ako ng gamit ko." Sabi ni Francis bago ito umalis.

Nang pabalik ito sa quarter nila di maalis ang mukha ni Alexa sa utak ni Francis, yung horror sa mukha nito nung umiiyak siya kanina ng makarating na ito sa may pinto na gulat nalang siyang nakatulog si Jairus sa labas ng quarter, agad niya namang hinila ito papunta sa loob.

"Oh? anong nangyari jan?" Tanong ni Nash.

"Ewan ko, amoy alak." Sagot ni Francis. "First time ko yata 'tong nakitang nalasing eh." 

"Oo nga, ako din eh… nakakapanibago." Sabi ni Nash.

Ng nakahiga na 'to sa kama niya, palagi niyang tinatawag ang pangalan ni Sharlene… Nakaramdam ng lungkot.

Sorry dude if this has to end this way, mahal ko siya at ganun din ang nararamdaman niya para sa akin… Gusto ko sanang sabihin sayo pero… Tama si Sharlene, di pa ito ang tamang panahon para malaman mo. Sabi ni Nash sa sarili niya.

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon