"Falling In And Falling Out"

1.6K 32 6
                                    

Ano ba Nash, sasabihin mo ba talaga? kita mo ng nagkakagulo pa diba? Complicated pa ang mga bagay ngayon kaya wag ka munang mag tapat. Sabi ni Nash sa sarili.

"Oh ano?" Tanong ni Sharlene.

Biglang binitawan ni Nash ang mga kamay nito, "Ah wala, magsosorry lang." Sabi niya

"Sus, akala ko naman kung ano… wala yun, tapos na yun. Eh ikaw kasi dapat mag ingat ka sa mga sinasalita mo." Sabi ni Sharlene.

"May tanong ako."

"Oh ano na naman yang tanong mo?"Tanong ni Sharlene.

"Diba alam mo na may gusto si Jairus sayo?" Tanong ni Nash.

"mmm, oh? eh, ano ngayon?" Tanong ni Sharlene.

"Did he ask you out?" Tanong niya ulit.

"Oo." Sagot naman ni Sharlene, "Eh di ko naman masagot agad agad, papano kung pinag titripan niya lang ako, tsaka siguro nasabi niya yun kasi nga ano… tayo tayo lang naman dito, what if bumalik na tayo sa real world? oh diba mas maraming chiks dun." dugtong ni Sharlene.

"Takot ka naman?" Tanong ni Nash.

"Siyempre ayokong masaktan, nagmahal na rin ako dati kaya nga lang di niya ko minahal pabalik… kaya yun, siguro tama nga sila…  you have to learn how to let go somehow, hindi yung laban ka lang ng laban pero yung taong ipinaglalaban mo… di naman ikaw ang ipinaglalaban." Sabi ni Sharlene.

"And who's the guy?" Tanong ni Nash.

Napatingin lang si Sharlene sa kanya, "None of your business." Sagot ni Sharlene.

"Ang labo mo naman, di lang tayo naging close for 3 years ganyan ka na." Sabi ni Nash.

"May mga bagay lang talagang mas mabuting itatago nalang." Sabi ni Sharlene.

"m…… mahal mo pa ba yung taong yun?" Tanong ni Nash, alam ni Nash na siya ang tinutukoy ni Sharlene at nag hohope parin siya na hindi mapapagod si Sharlene maghintay sa kanya.

"Ewan ko…" Sagot ni Sharlene, "Parang susuko na 'ko… ayoko na, masakit naman pala mag hope na mamahalin ka niya pabalik pero never naman palang mangyayari yun."

"Malay mo…" Sabi ni Nash.

"Malay mo ano? Mamahalin niya rin ako? Tss, as a sister oo pero bilang more than friend? Aasa nalang ako sa wala." Sabi ni Sharlene.

"Eh, di mo naman malalaman kung di mo itatry mag tanong diba?" Suggest ni Nash.

Napatingin ulit si Sharlene sa kanya, yung klaseng tingin na aamin na sana pero bigla itong natauhan at pinapalo palo ang ulo niya.

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon