Bad Side

1.2K 36 9
                                    

Tahimik na kumakain ang the Br3akers ng lunch nila, gusto man sanang lapitan ni Nash si Sharlene eh di niya magawa. Masakit para sa kanya na makipag break ng walang sapat na rason at ayaw din niyang magalit si Sharlene sa mga kaibigan niya.

"Di kita kayang iwan, pero ikaw… kaya mo akong iwan… pwes, gagawa nalang ako ng mga bagay bagay na makakapag hiwalay saatin. I'm sorry Shar… mahal na mahal kita." Sabi ni Nash sa isip niya.

Binuksan niya ang cellphone niya't biglang tinext si Sharlene.

'San ka nanaman ba naglalandi?' 

ng mabasa naman ito ni Sharlene, bigla itong nagalit.

'ano bang pinagsasabi mo?! naglulunch ako.'

naisipan naman itong pumunta sa roof top, sa secret spot nila ni Sharlene.

'pumunta ka sa roof top, bilis. wag mo 'kong pag hintayin. Naiinip na ako.' 

hindi pa nga nakasubo 'tong si Sharlene ng pagkain niya ay nagmadali itong pumunta ng roof top, nakita niya doon si Nash naka upo, mukhang galit na galit.

"Huy… ano bang problema mo't dinadamay mo ko jan sa init ng ulo mo?" Tanong ni Sharlene.

"Ikaw nga yung problema ko diba? nakita mo na ba si Paul dito sa campus?" Tanong ni Nash.

"Paul? Hindi ko naman siya nakikita sa campus eh." Sagot ni Sharlene.

"Pwes, dito na siya nag aaral. Kaya ikaw, wag na wag kang magkakamaling mang landi dun sa Paul na yun." Sabi ni Nash.

"Sus, nagseselos.."

"Wag ka ngang immature Sharlene, ang landi landi mo kasi! kaya pinagsasabihan na kita." Sabi ni Nash.

"Ang sakit mo naman magsalita Nash, kailan ba ako lumandi sa iba? ano bang problema mo ha? alam mo… ewan ko sayo, bahala ka!" Sabi ni Sharlene bago ito nag walkout.

*****

Nang papunta si Sharlene ng classroom may bigla siyang nabanggang lalaki na hindi naka suot ng uniform, may dala dala itong libro at bag.

"Sorry, sorry nagmamadali lang." Sabi ni Sharlene habang pinupulot nito ang mga librong nahulog.

"Okey lang yun Sharlene." Sagot ng lalaki.

Napatingin naman si Sharlene sa kanya, "Uy, ikaw pala Paul… Ah, mga libro mo. Sorry nga pala medyo nagmamadali ako." Sabi ni Sharlene habang binabalik niya ang libro nito.

"okey ka lang ba?" Tanong ni Paul.

Ng makita ito ni Nash na naguusap bigla niya agad hinila si Sharlene. 

Stranded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon