Chapter 2
Naglalakad ako sa hallway ng ikatlong palapag ng building ng paaralan namin papuntang library. May kina kailangan kasi akong gawing assignment, eh wala naman akong internet o kung ano mang magagamit sa bahay kaya ito, sinisikap ko.
Pagkapasok ko sa library, dumiretso ako sa seksyon kung saan naroon ang mga kinakailangan kong libro, tatlong libro ang kinuha ko, nang naghahanap ako ng mauupuan ay medyo natagalan ako dahil puno ng mga tao ngayon sa library, karamihan din dito ay mga estudyanteng abala sa kani-kanilang research paper.
Inikot ko ang tingin at medyo naglakad lakad para makahanap nang may kumalabit sa akin.
Nilingon ko ang taong kumalabit sa akin.
Si Shailey.
"Hi!" mahinang bati niya sa akin.
Hindi ako sumagot binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti.
"Kanina pa kasi kita napapansin na palinga-linga, may isang bakanteng upuan pa sa lamesa namin ni Aether, doon ka na lang umupo." Sabi niya tsaka siya naglakad.
Sinundan ko siya ng lakad, ramdam ko ang kabog sa aking dibdib dahil sa kaba , uupo ako sa lamesa nila ni Aether! Kinakabahan ako.
Nang makarating kami sa lamesa ay saglitan akong nilingon ni Aether at bumalik din ang mga mata niya sa librong binabasa niya. Nginitian ako ni Shailey at itinuro ang bakanteng upuan sa harap ni Aether.
Sinimulan ko na ang pagbabasa at pag ti take down notes sa mga impormasyong kailangan ko, pinilit kong matapos kahit na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kaba sa aking dibdib.
May mga pagkakataong hindi ko sinasadyang mapasulyap kay Aether na ngayo'y nakakunot ang noo sa binabasa niya.
Napadako rin ang tingin ko kay Shailey na ngayo'y may kinokopya sa librong hawak niya. Hindi ko maiwasang maisip kung gaano ka swerte si Shailey dahil mahal na mahal siya ni Aether, alam ko yun dahil yung mga panahong hindi pa sila, ako yung tumulong kay Aether na mapasagot si Shailey.
Kaklase ko si Shailey last year, nang simulan siyang ligawan ni Aether, ako yung laging pinag tatanungan ni Aether tungkol sa mga gustong bagay ni Shailey noon, pursigido sa panliligaw si Aether kay Shailey noon kaya hindi na ko magtataka kung bakit sinagot ni Shailey si Aether.
Dahil gaya ko, gagawin lahat ni Aether para sa taong mahal niya.
Ngunit pagkatapos ko siyang tulungan ay kinalimutan niya na ko.
Mga ilang sandali nang nagligpit na ng gamit si Aether at Shailey.
" Nakuha mo ba lahat ng kailangan mo?" narinig kong tanong ni Aether kay Shailey.
"Halos lahat naman nakuha ko kaso may kulang na sagot, mamaya ko na lang siguro hahanapin sa bahay." Sagot ni Shailey.
"Ako na lang ang maghahanap, isi send ko na lang sa email mo mamaya para naman makapag pahinga ka na agad pag uwi mo." Sabi ni Aether.
"Hindi, wag na madali na lang naman siguro yun hahanapin ko na lang sa internet mamaya."
"Ako na, alam mo naman na ayokong nahihirapan ka eh."
"Ikaw ang bahala."
Nagsimula na silang maglakad paalis ng library, sumulyap ako ng ilang saglit sa papaalis na si Aether.
Ang swerte ng mga taong mahal niya.
BINABASA MO ANG
Losing Balance
Mystery / ThrillerSiya si Aether Buenas nasa kanya na ang lahat at ang tingin ng lahat ng tao ay masaya siya. Siya naman si Castle Yen, kabaliktaran ni Aether ngunit gayun pa man ay kuntento siya at dahil yun kay Aether. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanya. ...