Chapter 4

17 5 0
                                    

Chapter 4

Bakit may mga taong sinasaktan lang yung mga taong gustong gusto mong alagaan pero hindi pwede..

Ganito ba talaga kadaya ang buhay?

"Uhm ito oh." Abot ko kay Aether ng isang stick ng kwek-kwek at palamig.

"Salamat." Sabi niya sabay kuha ng iniabot ko.

Ni kalianman ay hindi ko naisip na darating ang araw na ito, ang araw kung saan makakasama ko siya sa ganitong sitwasyon.

Pero ano nga bang dahilan kung bakit siya nagpasama sayo Castle?

Hindi ba dahil nasasaktan siya dahil nakipaghiwalay sa kanya ang pinakamamahal niyang si Shailey?

Kahit na ano pa man ang dahilan, kuntento na ko.

"Ano bang nagawa kong mali?" biglang tanong ni Aether habang nakatingin sa paanan niya, kahit na malungkot siya hindi ko maitatanggi na gwapo pa rin siya.

"Wala kang nagawang mali Aether sadyang may mga tao lang talaga na kahit anong pagmamahal ang ibigay mo sa kanila,iiwan at iwan ka pa rin nila, wala sayo ang mali siguro'y naguguluhan pa si Shailey, sigurado akong may dahilan siya kung bakit niya ginawa yun." Sabi ko, mabilis ang pintig ng puso ko pagkasabi ko nun.

Binigyan niya ko ng tipid na ngiti.

Kung ako na lang kasi Aether, hinding hindi kita iiwan.

Kung ako na lang sana.

Losing BalanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon