Chapter 1
"Go Aether!"
"Go Number 17!"
"Go Preston Academy!"
Kabi-kabila ang cheer ng mga kaklase at school mate ko para sa varsity team ng school naming, pang limang araw na ngayon ng intrams, ang laban ng basketball na nagaganap ngayon ay sa pagitan ng school namin na Preston Academy at St.Lucas Academy.
Sa pinakadulong bleachers ako umupo, kung saan kahit papaano ay tanaw ko pa rin ang naglalarong si Aether. Dito sa loob ng court, karamihan ng sinisigaw ng mga babae ay ang pangalan niya, hindi na ko nagtataka dahil maging ako rin gusto kong isigaw ang pangalan niya kaso huwag na kahit ano namang pag tawag o pag sigaw ng pangalan niya ang gawin ko ay ni kalian man ay hindi niya ko lilingunin.
Pero ayos lang ,ang makita ko lang na ayos lang siya ay sapat na para sa akin. Kuntento na ko sa ganoong bagay.
Sa huli ay itinanghal na panalo ang varsity team ng school namin. Nagsigawan sa tuwa ang mga kaklase at schoolmates ko, may iilang nagsilapitan sa varsity team namin.
Nanatili lamang ako sa puwesto ko at pinagmamasdan ang paglapit ni Shailey kay Aether, ang girlfriend niya.
Mula dito kitang kita ko kung paano niyakap ng mahigpit ni Aether si Shailey nang makalapit na ito sa kanya.
Napangiti ako.
Hindi ko pinansin ang sakit na nararamdaman ko, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang nakikitang Masaya si Aether, kahit hindi sa piling ko, kahit sa piling pa ng iba, basta Masaya siya, yun lang naman ang mahalaga para sa akin.
Wala man sa akin ang lahat, kahit na ako na lang mag isa, basta Masaya si Aether. Kuntento na ko.
BINABASA MO ANG
Losing Balance
Misterio / SuspensoSiya si Aether Buenas nasa kanya na ang lahat at ang tingin ng lahat ng tao ay masaya siya. Siya naman si Castle Yen, kabaliktaran ni Aether ngunit gayun pa man ay kuntento siya at dahil yun kay Aether. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanya. ...