Chapter 6

20 5 0
                                    

Chapter 6

Nang makita ako ni Aether ay agad niya kong nilapitan at niyakap.

"Castle, tulungan mo ko, ayokong makulong." Pagsusumamo niya.

Sa likod niya ay nakita ko ang duguan at mga wala ng buhay na katawan ng mga magulang niya.

"A..a—nong nangyari?" nahihirapan kong tanong.

"Iiwan nila ko Castle, hindi ko kaya, hindi ko sinasadya! Napatay ko sila.. Ayokong makulong Castle, ayoko!"

Halo-halo na ang nararamdaman ko habang nakakayakap sa akin si Aether. Napatay niya ang magulang niya, hindi na kami minor, pag nalaman to ng awtoridad makukulong siya.

"Ayokong makulong Castle." Natatarantang sabi niya.

Mula sa baba ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ng mga pulis.

"Tulungan mo ko, tulungan mo ko Castle!" sabi niya sabay yugyog sa akin.

Para sayo Aether.

Tumayo ako at kinuha at kutsilyo na nakatarak sa dibdib ng mommy niya pinahid ko sa damit ko ang mga dugo at hinawakan ko ang kutsilyo.

Nang kumalabog ang pintuan ng kwarto niya.

Bago pa magsalita ang mga pulis, nagsalita na ako.

"Ako po ang pumatay sa kanila."

Losing BalanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon