Chapter 5
Kinabukasan sa school ay excited ako sa pagpasok dahil gusto kong kamustahin si Aether.
Yun siguro ay kung papansinin niya pa ko.
Kadalasan kasi pagganito, wala na.
Hindi niya na ko papansinin ulit.
Dumaan ako sa classroom nila at sinilip siya, ngunit wala siya sa kanyang upuan. Dumiretso na ako sa classroom namin nang salubungin ako ni Shailey.
" Castle, kailangan ka ni Aether." Sabi niya na naluluha-luha.
Agad akong nakaramdam ng kaba atsaka mabilis na tinungo ang pintuan palabas, dumaan ako sa bakod ng school namin, ang kadalasang daanan ng mga nagka-cutting, dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ako palalabasin ng guard ng school.
Dumiretso ako sa bahay nila, alam ko ito dahil isang beses ay sinundan ko siya pauwi at dahil doon nakabisado ko kahit papaano ang daan papunta sa bahay nila.
Nang marating ko ang labas ng bahay nila, kitang-kita ko na ang sigaw ng karangyaan sa nakabukas nilang gate, sinamantala ko ang pagkakataong makapasok.
Halatang mahal ang mga muwebles nila sa loob ng kanilang bahay ngunit sa kabila ng karangyaang isinisigaw nito ay napakatahimik sa loob.
Umakyat ako sa kanilang hagdan nagbabakasaling mahanap ko at matagpuan siya sa kuwarto niya.
Unti-unti kong binuksan ang pinto at napatakip ako ng bibig ko sa nakita ko, unti-unting nanghina ang mga tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Losing Balance
Mistério / SuspenseSiya si Aether Buenas nasa kanya na ang lahat at ang tingin ng lahat ng tao ay masaya siya. Siya naman si Castle Yen, kabaliktaran ni Aether ngunit gayun pa man ay kuntento siya at dahil yun kay Aether. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanya. ...