Epilogue
Ako si Aether Buenas ang akala ng lahat porket nasayo na ang lahat Masaya ka na, pero hindi, ang hindi nila alam walang perpektong bagay at hindi lahat nagtatagal.
Iniwan ako ng ni Shailey, ang girlfriend ko.
Ang mga magulang ko napag usapan nilang maghiwalay at ni isa sa kanila ay walang balak na kupkupin ako kaya pinatay ko sila.
Dumating si Castle, ang babaeng lahat ginagawa para sa akin
Inako niya ang kasalanang ginawa ko.
Hinintay ko siya ng halos sampung taon.
Gusto ko pagkalabas niya ay sa akin siya.
Sa akin siya, sa akin lang.
Ayoko ng maiwan pang muli.
Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Castle sa kama ko, humiga ako at tinabihan siya.
"Dito ka na lang sa tabi ko Castle, hinding hindi mo na ako maiiwan, magkasama tayo habang buhay."
Atsaka ko siya niyakap.
BINABASA MO ANG
Losing Balance
Misterio / SuspensoSiya si Aether Buenas nasa kanya na ang lahat at ang tingin ng lahat ng tao ay masaya siya. Siya naman si Castle Yen, kabaliktaran ni Aether ngunit gayun pa man ay kuntento siya at dahil yun kay Aether. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanya. ...