Chapter 3
Dala-dala ko ang lunch box ko pababa ng hagdan para pumunta sa likod ng building at doon kumain.
Ayokong kumain sa Canteen, dahil bukod sa mayayaman lang ang mga nandoon ay malamang ay wala akong mauupuan.
Hindi ako mayaman pero nakapasok ako sa Preston Academy, isang private school dahil na rin sa scholarship na natanggap ko.
Wala na kong mga magulang, namatay ang Nanay ko noong pagkasilang niya sa akin, ang tatay ko naman nabaril, wala rin akong kapatid dahil ako lang ang anak, hindi rin ako kinupkop ng kahit sinong kamag-anak ko.
Kaya mag-isa na lang akong kumakayod para sa sarili ko, para mabuhay pa ko.
Pero kahit ganun ang nangyari sa akin, Masaya pa rin ako at dahil yun kay Aether.
Naalala ko noong unang araw ko pa lang sa Preston ay may iilan na binu-bully ako, at yung tanging tao na nagtanggol sa akin mula sa kanila ay si Aether kaya simula noon ay wala nang nagtangkang mambully sa akin, akala kasi nila kapag ginalaw nila ako ay si Aether ang makakaharap nila, marami kasing nakaalam ng pagtatanggol sa akin ni Aeher noon.
Simula ng makita at makilala ko siya nagkaroon ako ng dahilan para magpatuloy sa buhay ko.
Napahinto ako nang may marinig akong boses.
"Itigil na natin to Aether." Boses ng babae, boses ni Shailey.
Gumilid ako sa isang puno, alam kong masamang makinig ng usapan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na at tungkol ito kay Aether, asaka anong sinasabi ni Shailey na itigil? Anong ititigil nila?
"Anong ititigil na Shailey?" nanghihinang tanong ni Aether.
"Hindi na kita mahal Aether, I'm breaking up with you." Sabi ni Shailey atsaka ko siya nakitang umalis.
"Shailey, Please..." nanghihinang tawag ni Aether nguit hindi siya nilingon ni Shailey.
Kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Aether na nagkakaganun.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumabas at lapitan siya.
Nakita ko ang unti unting pagtulo ng luha sa mga mata niya.
Nakayuko siya ngayon.
Lumapit ako sa kanya at iniabot ang aking panyo.
BINABASA MO ANG
Losing Balance
Mystery / ThrillerSiya si Aether Buenas nasa kanya na ang lahat at ang tingin ng lahat ng tao ay masaya siya. Siya naman si Castle Yen, kabaliktaran ni Aether ngunit gayun pa man ay kuntento siya at dahil yun kay Aether. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanya. ...