Chapter 7

19 5 0
                                    

Chapter 7

Halos sampung taon akong nakulong, inako ko ang krimeng ginawa ni Aether. Ayoko siyang nakikitang ganoon katakot kaya inako ang ginawa niya. Alam kong hindi niya kakayanin dito.

Pagkalabas ko ng prisinto ay may isang sasakyan na huminto sa harap ko, lumabas ang driver nito at tsaka ko inanyayahan na sumakay.

"Sir Aether is waiting for you Ma'am." Sabi nito.

Nagulat ako at hindi makapaniwala, si Aether? Susunduin ako?

Ni kailanman ay hindi niya ko binisita sa selda, walang bumisita sa akin, at nawalan na din ako ng balita kay Aether noong mga panahong nasa loob ako ng selda kaya labis labis ang pagkagulat ko ngayon.

Dahan-dahan akong pumasok sa back seat at doon nakita ko siya.

Binigyan niya ko ng isang ngiti na puno ng sinseridad.

Pagkaupo ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko, Pinagsaklob niya nang mahigpit ang pagitan ng aming mga daliri.

"Ang tagal kitang hinintay, hinding hindi na tayo maghihiwalay Castle."

At sa sinabi niyang yun ay nakaramdam ako ng saya.

Dinala niya ako sa isang bahay, mas malaki ito kumpara sa dati nilang bahay. Pagkababa ko ay hawak-hawak niya pa rin ng mahigpit ang kamay ko na parang ayaw niya kong mawala.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon, ito pala ang kapalit ng mga sakripisyo ko.

Dinala niya ko sa kanyang kuwarto.

Niyakap niya kong mahigpit.

Bumitaw siya sa pagkakayakap upang makita niya ang mga mata ko, habang nakatingin siya sa aking mga mata ay nagsalita siya.

"Ipangako mo sa akin Castle na hindi mo ko iiwan."

Ngumiti ako at sumagot.

"Hinding hindi kita iiwan Aether."

Unti-unting lumapit ang mukha niya at saka ako hinalikan.

Sa ilang segundong pagtagal nito ay bigla kong naramdaman ang sakit sa dibdib ko tsaka ako napahinto at nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa dibdib ko.

Sinaksak ako ni Aether.

Losing BalanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon