Chapter 1

4.4K 55 0
                                    


Alyssa's POV.

"ahhmm inay pasensya na po at eto lang po ang pera na nakita ko ngayon sa raket ko.Wag po kayo mag alala, mag hahanap na po ako ng permanenteng trabaho na mas malakas ang kita." . Mahabang paliwanag ko kay Inay.

" anak, wala naman akong sinasabi na mag trabaho ka. Ang bata mo pa. Responsibilidad ka namin ng Itay mo . At itong perang ito, sayo na. Itabi mo para may magamit ka kung sakaling kailanganin. " . Sabi ni Inay sa akin.

"pero inay--" . Naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Itay na kadadating lang mula sa trabaho. Isa siyang Taxi driver at labandera naman ang inay.

" Alyssa anak. Tama ang iyong ina, 17 ka palang. Wala ka pa sa tamang idad. Kaya kung ako sayo, sulitin mo na ang pagiging bata. " ... Nakangiting sabi ni Itay sa akin.

Napaka swerte ko sa kanila at nag papasalamat ako sa Diyos na kahit minsan ay wala kaming makain, hindi nya pinababayaan kaming pamilya ko, dahil kinabukasan o ikalawa ay may matatanggap kaming blessing.

" salamat po Itay, Inay. Pero Itay mag 18 na po ako sa susunod na buwan kaya't malapit na rin ako sa sinasabi nyong tamang idad. " . nakangiti ko ring sabi kay Itay.

"haha! kaya nga sabi ko sulitin mo na e. " . Sagot ni Itay.

Napapailing nalang si Inay sa aming dalawa ni Itay.

"tama na nga iyan. Tara na sa kusina at ng makakain na. " . Awat sa amin ni Inay.

"wow! Paborito ko to Inay ! ADOBO! " . Nag niningning na mata kong sabi kay Inay.

Bihira lang kasi kami makakain ng ganito dahil wala nga kami kaya' sulitin na . Haha..

---

Dennise POV.

"ms. Denisse! Pwede ko po ba kayo mainterview sandali. " .. Sabi nung isa sa mga reporter na kanina pa buntot ng buntot sakin
-_-.

" sorry our ms. Dennise is already tired,so please excuse us . " . Sabi ni Sophia, isa sa P.A( Personal Assistant) ko.

"sandali lang po ito, tungkol lang po sa bagong Movie nya. " . Sabi pa nung isang reporter.

Yes! Isa lamang ako sa mga pinaka sikat na Artista sa buong mundo. At ang sabi ng reporter kanina ay tungkol sa bago kong movie. Kasama ko sa movie na to ang mga magagaling na artista rin sa Pilipinas. At syempre ako ang bida. Yabang ba? Ganun talaga. Haha.

" pasensya na talaga pero hindi pwede. " . Sabat ni Carl. P.A ko din.

Napa irap nalang ako. Di naman nila ako makikita kasi naka shades ako. Ang kulit talaga ng mga reporter. Nakaka stress.!! Buti naman at dumating na yung mga bouncer, OH MY GOD! ang tagal nila.!

Hinarangan nila yung mga reporter na gustong lumapit sakin. Nag lakad na ako papunta sa sasakyan namin.

Galing lang kasi ako sa shooting ngayon tungkol sa movie na gaganapan ko.

Pag sakay sa sasakyan...

"oh my god! Bakit ba late na dumating ng mga bouncers na yan ha?! Kakausapin ko yung Maneger ng mall na yan at papatanggal ko sa trabaho yang mga walang kwentang bouncers nila! " . Galit na sigaw ko sa loob ng sasakyan na nasasaksihan naman ng dalawa kong P.A....

Impossible Love(Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon