Chapter 5

1.5K 40 1
                                    


Alyssa POV.

*tok *tok

" Alyssa anak, gising na. Diba ngayon ka mag uumpisa sa trabaho mo? "

"opo tita. Babangon na.. "    .

Sagot ko.

Pumasok na ako ng banyo at naligo.

.

" good morning bata! Tara kain na."    bati sa akin ni Tito.

"good morning din po tito . Good morning po Tita."     bati ko.

" good morning din 'nak, kamusta tulog mo?"    .-tita.

"medyo lang naninibago po." -ako.

"ayos lang yan bata."  -tito.

At nag umpisa na kaming kumain, grabe ang daming nakahain pero tatlo lang naman kami.

Naalala ko tuloy sila Itay at Inay, ano na kaya ang lagay nila? Kumakain din ba sila katulad ko dito? Hayy! Namimiss ko na sila.

" oh ija? Bakit ganyan muka mo? Hindi kaba nasasarapan sa pagkain natin ngayon?"    tanong sakin ni tita.

" ahh hindi po, masarap po. Pasensya na po kayo. Naalala ko lang po yung pamilya ko sa Pampanga"   .  sagot ko.

Biglang tumayo si Tita at lumapit sa akin.

"namimiss mo sila noh?"   .tanong nya. Habang hinihinimas himas ang buhok ko.

Hmmm.. Ang sarap sa pakiramdam nang mga haplos nya. Hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko, kagabi pa to.

' baka naman type mo si tita! Naku naku! Kung ako sayo itigil mo na, may asawa na yang tao oh! .'   sabat ng konsensya ko.

' Pppttt! Hindi no! Baliw ka talaga.'    sagot ko naman.

"sobra po tita."   . -ako.

Bigla nya naman akong niyakap.

Hmmm. Iba talaga pakiramdam ko. Para akong isang bata na yakap ng isang ina. Hayyy. Namimiss ko lang siguro sila Inay.

"hay nako bata, masasanay ka rin"    .  -tito.

Lumapit din siya at niyakap kami ni Tita.




Sa hindi maipaliwanag na dahilan biglang tumulo yung mga luha ko at medyo kumirot ang ulo ko.

*click*

Napatingin kami sa tumunog.

Si ate rose pala, mayordoma dito. At umiiyak sya???

"bakit rose? "   . Tanong ni Tito.

"wala po sir, naiiyak lang po ako. Para po kasi kayong isang pamilya na nag yayakapan katulad ng dati nung nandito pa yung alaga ko. "   .  Sumisinghot na sabi ni ate rose.

"hay nako rose, ang iyakin mo."  -tito.

"eh sir di ko po talaga mapigilan, magkamuka po kasi kayo ni Alyssa, para po kayong pinag biyak na bunga parang yung alaga ko lang. Wala nga pong nakuha kay maam eh. Kung hindi ko nga po kayo kilala pang kakamalan ko kayong isang perpektong pamilya na nag mamahalan . "   -ate rose.

"tama na rose."   .   mahinang sabi ni Tita. Affected pa siguro sya. Sabagay ganun talaga ang isang ina ..

"pasensya na po."   .  paumanhin ni ate rose at umalis na.

-

"bata eto na ang bagong titirhan mo."    nakangiting sabi ni tito.

"maraming salamat po talaga tito."  .   pasasalamat ko.

Grabe sobra na ata ito, kagabi lang kami nag kakakilala pero pinatulog pa nya ako sa bahay nila at ngayon nga binigyan pa ng condo.. Ang bait talaga nilang mag asawa ang swerte siguro ng anak nila.. Hayss.

" ano ba yan bata! Sinabi ng wala yun e, basta lagi kang dadalaw sa amin sa bahay ah."    .-tito.

"syempre naman po. Salamat po ule."  

--

Dennise POV.

Grrr..

"soph anu ba?! Nasan naba yung tao na yun ha?! Kabago bago palang nya late na! "    .gigil na sabi ko.

" sandali lang po. Tatawagan ko na po sya."      sabi ni soph.

Omg! Anung oras na! Wala pa yung Velasques na yun! Magagalit nanaman nyan si direct.

.
"sorry sorry po! Galing papo kasi ako sa office ni Mr. De guzman, hindi ko po kasi alam na nandito kayo."   humahangos na paumanhin ni bakulaw.

" sorry?! Sana yung sorry mo na yan mapapahinto ang oras para hindi ako malate! "   .  sigaw ko dito.

"sorry po."   .-bakulaw.

" sorry ule?! Sana yung sorry mo kayang mabura yung sakit na dinulot mo! Hindi na mababago ng sorry mo ang lahat!  . -ako.

o_O. Muka nila.

Nag lakad nalang ako papasok sa van.

" soph? May problema ba yung duwende na yan?"   . Rinig kong bulong ni bakulaw.   Tsk.!

"ewan ko, baka naman nag papractise na. Ang tagal mo kasi e."     . Balik na bulong ni soph.

Srl?! Bulong ba tawag dyan.?!

" sorry nga diba ?!"   .   bulong uli ni bakulaw.

"sorry?! Sana yung sorry mo kayang mabura yung sakit na dinulot mo! Hindi na mababago ng sorry mo ang lahat! ".-   gaya ni soph sa sinabi ko kanina.

Humagikgik naman sila sa tawa. -_-

" anu ba?! Aalis pa ba tayo?!"    .sigaw ko.

" ayan na po."   -silang dalawa.






-----------------------

Paalala lang po. Lahat po na ng nakasulat sa story na ito ay gawa lang po ng isip ko. Kathang isip lang, malayo po sa reality ng dalawang bida.    Samamat po. :)

Pasensya po kung lame update ito. :) happy lang. ^^v








- mystery

Impossible Love(Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon