Chapter 20

1.6K 43 9
                                    


Alyssa POV.

Wala sa sariling lumabas ako ng condo ni Dennise. Hay! Para akong tangang nakangiti ng walang dahilan. Habang nag lalakad papuntang elevator ay hinawakan ko ang mga pisngi at pinang gigilan iyon.

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor ng condo ko. Di ko pa sinasabi kay Dennise na parehas lang kami ng building na tinutuluyan. Ewan ko ba. Feeling ko kasi balang araw may purpose din tong hindi ko pag sabi sa kanya.

Papalabas na ako ng may bigla akong nakabanggaan.

"sorry, sorry. Pasensya kana." . hinging paumanhin ko dito.

"tsk. Are you blind?!" . mayabang na sabi nito.

Aba! Gago to ah. Iniingles pa ko! Magaling kaya ako sa ganto!

"no...not! Are you blind too?!" . oa kong balik na tanong sa kanya. Oha! Kala nya ah!

Nang titigan ko sya. Napanganga ako bigla.

Tangene! Bumangga ba ko sa salamin?! ?!?! Bakit nakikita ko sarili ko sa harapan ko?

"sino ka?!?!/ who the hell are you?!" . sabay naming sabi sa isat isa at sabay pa naming tinuro ang sarili namin.

"Ako si Alyssa/ Im Alyssa." . sabay uli naming sagot.

Anak ng?! Ano to?! Translator?! Pero teka?? Kamuka ko na. Kapangalan ko pa. Wala namang nabanggit ang inay at itay na may roon akong kakambal. At kapangalan ko pa talaga! Astig syang pumorma pero mas pogi ako no!

"wag mo nga akong gayahin!" . inis kong sabi sa kanya.

"ikaw nga tong gumagaya sakin e!" . asar na sagot nya. At akmang aalis na sya ng pigilan ko ito.

"teka! Saan ka pupunta?!" . tanong ko sa kanya. Bigla kasi akong kinabahan.

Parang may magaganap na pangyayari na magkakapag pabago sa lahat.

"dont touch me! (sabay waksi ng kamay ko ) and you dont care kung saan man ako pupunta!" . -Alyssa. Ok, ang creepy.

"angas mo rin tol ah!" . sabay pagpag sa damit nya.

"may problema po ba??" . singit ng guard ng building nato.

"nothing. I have to go." . at hindi ko na sya napigilan.

Tsk! Tsk! Hindi na ako mag tataka kung bakit sa pag gising ko hindi na ako pansin ng mga tao sa paligid ko.

---

Dennise POV.

"sir nasa loob na po sya." . bungad sa amin ng tao ni Agent Alex.

"Salamat Agent. Secure the perimeter!" . utos dito ni Agent Alex.

"Yes sir!" . at sumaludo pa ito bago umalis.

Huminga ako ng malalim upang maibsan ang kabang nararamdaman ko.

"Tara na po ms. Dennise." . aya nya sakin habang nakahawak sa door knob ng isang silid.

Tumango naman ako sa kanya kaya binuksan nya na ang kwarto at pinapasok ako.

Tumambad sa akin ang silid na walang laman at may isang taong naka upo sa upuan habang naka posas ang mga kamay at paa. May basal din ito sa bibig at nakatungo lang ito.

Impossible Love(Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon