Chapter 9

1.5K 39 0
                                    

Alyssa POV.

"nandyan na ba yung basket?" . tanong ni bulilit.

"wala pa." . sagot ko.

"edi go! Kuhanin mo na sa loob." . utos nya.

"tsk! Makautos naman to. Di na nga ako nag kanda ugaga, kanina pa ako pinapabalik balik sa loob ng condo nya sana kung malapit lang, e 14th floor pa kaya yon. Tapos nag mamadali pa.." . bulong ko. Habang inaayos yung mga gamit na pinalagay nya sa trunk ng pick up.

"bilis! Bubulong bulong pa!" . bossy na sabi nya.

"psh. Pasalamat ka boss kita, kung hindi baka natapakan na kita dyan. " . Sagot ko na pabulong uli.

"sinong tatapakan ang binubulong mo dyan.?" . mataray na sabi nya.

"wala!" . Pabalang kong sagot.

Bumalik nalang ako sa loob ng building at iniwan sya sa parking lot. Kainis!

Papasok na sana ako ng elevator ng biglang nag black out..

Napasinghap naman yung mga taong nasa lobby at nag bulong bulungan..

Arrgg! Ang tagal naman atang bumalik ng kuryente? Wala bang generator tong building nato?!

"attention everyone! Pansamantala po munang black out. Nasira po ang generator natin. So, please understand. Thank you!"

Arrgg naman bakit ganun?!

*kring *kring

Calling the gaint!........

"hello?"

"bilisan mo na! Madilim dito sa parking lot walang kuryente!" .

"E----"

Toott.. Toott..

Ay bastos! Arrgg! No choice ako kundi mag hagdan. Jusko po! Madilim pa naman sana walang lumitaw na mumu sa dadaanan ko. Pano nalang kapag may sumulpot nga tapos nagulat ako tapos sa sobrang gulat ko na out of balance ako tapos nalaglag ako sa hagdan tapos pagulong gulong ako tapos nabagok yung ulo ko tapos na dedu na ko tapos walang makakakita sakin kasi black out tapos tapos kapag na dedu ako diko na makikita sila Inay at di na rin ako mag kaka lab layp tapos, tapos, wala na!! Wala pa namang insurance yung pag pasok ko bilang pagiging P.A ni Dennise. Pano na yun? Tapos tapos tapos, tapos na!

"ang oa mo naman." . sabi ng nakasalubong ko sa hagdan. Pababa na sila at ako naman pataas.

Teka?! Para sakin ba yung sinabi nya o dun sa kasama nya?! Psh. What ever! Binilisan ko nalang yung pag hakbang ko dahil dumidilim na lalo..

.

Ff>>

.
O . M . GOD! Hingal kabayo ako pag dating ko sa floor ni Dennise..

Nakatukod pa yung dalawang kamay ko sa tuhod ko.. Argg! Di ko maramdaman yung mga binti ko namamanhid ata.

Napasalampak nalang ako sa sahig... Hingal kabayo parin ako. Ang taas ng building na to grabe!

Nang makabawi ako ng lakas ay
tumayo na ako. Medyo madilim ..

Pipihitin ko na dapat ang door knob ng pinto ni boss ng biglang....

Impossible Love(Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon