Alyssa POV.Hay! Salamat at meron na rin akong nahanap na trabaho. Perooo.......
Arrgg! Kinakabahan ako para bukas, kase naman e, hindi yata kami mag kasundo ng boss ko. Pero tinanggap pa rin nya ako. Feeling ko may kakaiba syang gagawin.. Hmmm.
Pero para sa family ko, gagawin ko lahat.. Sapat na sila para maging inspirasyon ko sa trabaho kong papasukin..
Nag lalakad lang ako. Habang bitbit yung mga gamit ko. Mag gagabi na pala. Hayy! Isa pang problema to.. Saan ako matutulog? T_T .
Kukulangin yung pera ko kung mangungupahan pa ako. Sapat lang ang pera ko pang kain. Anak ka nga naman ng nanay mo oh oh!
Hindi ko namalayan na nasa park na pala ako. Umupo nalang ako sa isa sa mga upuan dito. Ang sakit na ng binti ko.. Hindi pa nga pala ako kumakain, ang dami kong problema.
Pinanood ko nalang yung mga tao sa park. May mga nag de-date pang mga couple.
Sweet naman nila. Kaso mag be-break din yang mga yan. Bwahaha! Ang bitter ko talaga! Ala e, mana mana lang yan.
Napatingin nalang ako sa langit, gabi na pala, may mga star na e. Bigla namang may dumaan na shooting star. Pumikit ako para mag wish. ' dear shooting star, ang wish ko ay sana ayos lang sila Itay sa Pampanga' . ' teka wish ba yon?' ' ayos na yan! ' ' sige sabi mo e'.
"bata! Ang lalim ata ng iniisip mo " . Sabi ng kung sino sa tabi ko.
Napadilat naman ako. Nakatingin ito sakin, isa siyang lalaki na sa tingin ko ay mid 30's or 40's palang. Gwapo din sya.
"hindi naman po sir, may nag daan po kasing shooting star, nag wish po ako e. " . -ako.
" anu namam yung wish mo?" -sya.
" secret po." . - ako.
"haha, pasensya na pala ha. Feeling close na ba ako sayo?" .-sya.
"ahh hindi po sir, ayos lang po. " .-ako.
" kabait mo naman , ako nga pala si Arthur Valdez, ikaw?" . -sya. Sabay abot ng kamay nya.
"hindi naman po. Ako nga po pala si Alyssa Velasquez tiga Pampanga po." . -ako. Inabot ko naman ito.
Nakita ko namang natigilan sya. Bakit kaya?
" ah sir? May problema po ba?" . -ako.
"ah wala! May naalala lang ako sayo" . -sya.
"ano naman po yun?" -ako.
"naalala ko ang sayo ija yung anak ko at kapangalan mo pa." .-sya.
"nasan na po sya?" . -ako.
" nawawala sya anim na taon na ang nakakalipas." .-sya.
Nagulat naman ako dahil sa nalaman.
"bakit po? Anung pong nangyari?" . -ako.
"hapon na nung araw na yun, galing sya sa isang park. At park na yun ay ito mismo. Pauwi na sya nuon ng biglang may humarang sa kotse na sinasakyan nya. Dalawang van ang humarang sa kanila. Walang nagawa yung mga body guard nya dahil pinatay nila ang mga ito. Dinala nila ang anak ko, at hanggang ngayon hindi pa rin namin sya nakikita. Siguro kasing idad mo na sya ngayon. At kapangalan mo pa..." kwento nya. Halata sa boses nya ang lungkot.
![](https://img.wattpad.com/cover/71517251-288-k524343.jpg)
BINABASA MO ANG
Impossible Love(Alyden)
FanfictionKaya mo bang mahalin ang isang katulad ko? Langit ka, lupa ako. Sobrang layo ng pagitan natin sa isa't isa. -aly Walang imposible sa taong totoong nag mamahalan. -den ------------------------------------------- hi guys?! enjoy! :) Again, sorry sa mg...