Chapter 17

1.5K 42 2
                                    


*Ding dong* *Ding dong*

"sandali lang pwede ba?!" . irita kong sigaw sa taong nasa likod ng pinto ko.

Inayos ko muna yung buhok ko bago buksan ang pinto. Naninigurado lang baka si bakulaw yan no! Insultuhin pa kong pangit non!

Nag taka naman ako ng walang tao pag bukas ko ng pintuan. Luminga linga ako ng paligid nag babakasakaling makita ang taong nag doorbell sa pinto.

Pagtingin ko sa baba ay may nakita akong bulaklak na itim na may kasamang regalo na nakabalot din sa itim.

Bigla akong kinabahan dahil dito.

"ano to??" . nagtatakang tanong ko sa sarili bago yumukod at pinulot ang nasa sahig na gamit.

For the last time, tumingin tingin muna ako sa paligid kung may makikita akong tao para pag tanungan kung nakita ba nila yung taong nag lagay nito sa sahig ng tapat bg condo ko subalit wala akong nakita kaya pumasok na ako.

Pinag mamasdan ko ang regalo't bulaklak ng may malaglag ditong isang papel na may nakasulat. Kinakabahan na talaga ako sa bagay na to. Baka mamaya bomba to tapos bigla nalang sumabog. O diba kawalan ang ganda ko sa mundo. Ayoko pong matusta ng bomba! Huhu!

"long time no see Dennise. Buksan mo yang box wag kang mag alala hindi bomba yan. Hindi naman kita papatayin ng ganun ganun lang. Pero malapit na hintayin mo lang." . Basa ko sa nakasulat.

"ang galing naman nito nahulaan ang nasa isip ko. Pero ano daw?! Pa--pata-yin ak-o?! Grabe ka naman! Pwede bang peace na lang tayo?? Sa pag kaka alam ko wala naman akong kaaway na ganyan kahit na maldita ako! Madami pa akong pangarap sa buhay!" . parang tanga kong sabi. Pero sa totoo lang parang namumutla na ako sa kaba.

Wala sa sariling binuksan ko ang box na itim at napatalon sa gulat dahil sa laman nito.

Picture na stolen ni Bakulaw habang nakangiti na sa tingin ko ay kakakuha lang para kasing natatandaan ko pa kung nasaan ang background nito pero may mga dugo na pinatak sa litrato na ito.

Napaupo naman ako sa couch dahil sa sobrang pang hihina. May nakita pa akong note na kasama sa loob ng box .

"Nakabalik pa pala sya??? May pagka pusa din pala yang Valdez nayan hano?! Pinatay ko na nabuhay pa!! Sa susunod sisiguraduhin ko na talagang matutuluyan sya..... At kasama ka!!"

Takot. Kaba. Pag aalala. Galit. Nag halo halo na yata sa sistema ko.

Sa pangalawang pag kakataon ba? Mauulit pa rin ba ang nakaraan na mawawala sya? Sya na mahalaga sa akin. Sya na unting-unting sinasakop na't lahat ng bawat espesyo na mayroon ang puso ko?

Pero diba ako lang dapat ang kuhanin nya?? Nadamay lang sya. Hindi naman sya ang Alyssa na nauna diba?? Hindi sya yung taong tinanggihan at pinag tabuyan ko kahit na sya lang ang nag iisang sinisigaw ng puso ko dahil sa takot ko sa mga magulang ko kaya malungkot syang nag pauwi sa mga guard nya ba hindi rin naman nakauwi dahil sa trahedya? Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko at walang araw na hindi ako umiyak kasama ng damdamin kong mamatay matay dahil sa sakit dahil sa pag kawala nya.

---

"argg! Bakit blank lang lahat footage ng cctv mula 6:00pm to 7:00pm?!" . frustrated kong sabi.

"ma'am Dennise iyon nga din po ang ipinagtataka namin. Bakit blank ang mga kuha?? Team maghanap pa kayo ng ibang cctv na malapit sa condo ni ms. Dennise.." . utos ng lider na hinire ng mga magulang ko para sa kaligtasan ko rin. Isa silang mga undercover agent. Dati pa silang nasa paligid lang malapit sa akin. Ang iba pa nga ay nakakasalamuha ko pa.

Impossible Love(Alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon