Chapter 4

146 36 7
                                    

Khianna's POV

*Kriiiing... Kriiing*

Pagkarinig na pagkarinig ko sa alarm clock ko, pinatay ko na ito at itinabi sa mesa sa tapat ko.

Ayoko ng magdemand pa nang limang minuto rito baka maihagis ko pa ito kung saan at masira nanaman. Kakabili ko lang nito kahapon sa palangke.

Tinipid ko talaga ang baon ko nang isang lingo para lang makabili ako ng alarm clock dahil ayaw ko na yung cellphone ko pa ang gamitin ko dahil alam kong isang bagsak nalang non ay masisira na talaga ng tuluyan.

Laking pasasalamat ko lang talaga sa Manufacturer ng cellphone na iyon dahil sobrang tibay kahit wasak na ang screen, nagagamit ko pa rin naman kaya pinagtiyatiyagahan ko talaga ito.

At alam ko kasi na kapag nasira iyon, matagal pa bago ako makabili dahil magiipon muna ako ng pambili non.

Si Mommy lang nga ang bumili saakin non at ayaw ko pa na cellphone na lang iaasa ko pa sakanila.

Monday nanaman ngayon at araw nanaman ng pasukan kaya heto ako matiyagang nakapila sa Terminal ng Jeep.

Kahit na naligo na ako at pinlantsa ang damit ko, pagdating parin sa paaralan namin mukha akong sumabak sa isang karera ng takbuhan dahil sa tagaktak ang pawis ko at lukot na lukot na damit ko.

Nakita ko pa nga ang ibang Estudyante ng Harylton Academy sakay-sakay ng kanilang magagarang sasakyan habang nakapila ako sa terminal.

Hindi talaga maipagkakailang School of Elites ang Harylton Academy dahil halata naman sa ssakyan nila at pananamit nila.

Oo, inaamin ko na karamihan sakanila may mga ipagmamalaking itsura.

Ang kaso lang sakanila, hindi nila kayang dalhin iyon dahil mas nangingibabaw ang sama ng ugali nila sa itsura nila.

Kunsabagay, ano pang aasahan mo eh mayaman nga pala sila kaya nilang makuha ano man gusto nila.

"Khianna! Kumusta ang weekends mo ah?"

Tsk! Ayan nanaman sya.

Hay! Rheign kalian mo ba ako tatantanan ah?

Kakapasok ko lang sa room namin iyan na agad ang salubong nya saakin.

Hindi pa nga ako nakakaupo sa pwesto ko eh.

"Uy khianna!? Ano na?" Pangungulit nya ulit saakin.

"Tsk!"
sagot ko nalang.

Pakealam ba nya kung anong nangyari sa weekends ko?

Mababago ba nya to kung sakaling boring man o ano? Tsk!

"Alam mo Friend may ikukwen---"

"Hindi.kita.kaibigan.kaya.tantanan.mo.na.ako."
Pagputol ko sa sinasabi nya.

Pinagdiinan ko talaga ang mga sinabi ko sakanya para maintindihan nya.

"Pero Khianna..."

"Ah basta! Ikaw parin ang kaibigan ko dito. Whether you like it or you like it."
Sabi nya.

Aba! Ganda ng choices ah. Sobra!

"Tsk!"
Iyan nalang isinagot ko sakanya.

"Ehem,Ehem..."

Sino ba ang gagong lalaking nasa likod ko at tumikhim talaga sya malapit sa tenga ko kaya napatingin kaming parehas ni Rheign sakanya?

"Alam mo Mister, kung may sakit ka, may clinic naman tayo! kaya lumayas ka diyan at pumunta roon!"
Iritadong sabi ko sakanya ng hindi man lang tiningnan sa mata kahit na alam kong tinititigan nya ako.

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon