Chapter 18

77 23 3
                                    

Friday Evening...

Kakatapos lang nang duty ko sa Grocery Store.
Nandito ako ngayon sa Kwarto ko at ginagawa ang assignment ko sa Calculus at Physics.

Aba! Syempre hindi lang naman ang English ang dapat kong problemahin kundi ang iba ko rin mga subjects.

Masyado lang pa-major ang Professor namin sa English kaya sobra sya kung magpaproject saamin.

Speaking of English Subject!

Ano kayang mangyayari saamin nyan bukas?

Argh! Bakit kasi sa dinami-dami nang dapat kong makagrupo, bakit sila pa?

Parusa ba to o ano?

Tsk! Basta bahala sila sa buhay nila bukas! ginusto nilang dito gumawa ng project kaya panindigan nila!

Huwag lang silang magdemand nang kung ano dahil hindi sila Prinsesa't-Prinsipe rito. Kung ano ang mayroon lang ako, iyon ang pagtyagaan nila dahil dito nila napili!

~*~

Saturday Morning... ( Day 1 )

Oh sh*t! Alas -otso na! ngayon nga pala ang usapan namin na pagkikita sa Academy bago pumunta saamin.

Siguro naman makakapaghintay sila noh?

Hindi ko naman kasalanan na late na akong nagising dahil sobrang pagod ako kagabi galing trabaho.

Hahayaan ko na muna silang maghintay doon para naman makaligo at makapag almusal muna ako bago ako mangunsumisyon sakanila.

After a couple of minutes...

"Hoy Khianna, Alam mo bang kanina pa kami naghihintay dito ah? Iyan ang hirap sa inyong mga babae eh lagi nyo kaming pinaghihintay tapos kapag naghanap kami ng iba, iiyak-iyak---"

"Anong pinagsasabi mo?"
Pagpuputol ko sa kaartehan ni Alexander.

"Eh bakit kasi ngayon ka lang ah?"
Tanong nya ulit saakin.

"Hay nako Khianna kanina pa yang alas-syete rito. Nadatnan nalang namin sya, masyado syang Excited."
Sabi naman ni Ethan.

"Ano ba Ethan ang daldal mo talaga kahit kailan. Bakit mo naman sinabi kay Khianna Babes yon?"
Sabi naman ni Alexander kay Ethan.

Tsk! Baliw talaga tong Alexander na to. Akala ba nya sa Resort ang punta namin kaya ang laki nang dala nyang bag at sobrang excited nya?

"Tsk! Tara na nga!"
pag aanyaya naman ni Zion.

Pagkatapos nun ay sabay-sabay kaming pumasok sa Van na dala ni Lance.

"Saan ba sainyo Khianna?"
Tanong naman saakin ni Lance habang nagddrive sya.

Itinuro ko nalang ang daan papunta saamin dahil medyo malapit lang naman ito sa Meeting place namin.

Maya't-maya...

"Ah Khianna, Anong ginagawa natin dito?"
naguguluhang tanong naman saakin ni Ethan habang patingin-tingin sa paligid.

"Nandito na tayo."
Tipid na sagot ko sakanya.

"N-Nandito na tayo? Whoa!"
di makapaniwalang tanong naman ni Alexander.

Bumaba na ako sa sasakyan kaya sumunod naman sila saakin.Napansin ko pa na tahimik lang na nakusunod ang lima habang di maipinta ang mga mukha nila dahil sa lugar.

Nakita naman kami ni Apo Esping kaya lumapit sya saamin para salubungin kami.

"Khianna, mukhang may mga bisita ka ngayon ah?"
Sabi naman nya saakin at nagmano naman ako.

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon