Chapter 24

69 20 3
                                    

Sunday Night

Nandito kami ngayon sa sala pagkatapos naming kumain.

Naging Ala-Fiesta ang hapag kaininan kanina dahil sa dami ng mga putahe na nakahanda.

Halos hindi nanamin naubos ang karamihan kaya ibinahagi nalang namin sa mga kapit-bahay namin at ang mga gago ang nag volunteer na maghatid sa mga sakanila.

"Babes pwede bang sa kwarto mo ulit kami matutulog?"
Tanong saakin ni Alexander na parang asong ulol kung makangiti.

"NO!!!"
Nanggigil na sabi ko sakanya dahil naalala ko nanaman ang kamanyakan ng kamahalan nila.

"Eh,promise behave na kami. Si Rhedge lang naman ang nanyakap sayo eh."
Pagmamaktol nyang sabi kaya binatukan sya ni Zion.

"Hoy Sandoval! Anong ako ang nanyakap? Sino kaya diyan ang sobrang higpit ng yakap pati paa nakadagan?"
Pagpaparinig nya saakin kaya nagpanting ang tainga ko.

"Hoy Mr.Harylton! Hindi kita niyakap no! Kapal mg mukha mo na yakapin kita!"
Bulyaw ko sakanya.

"Oh Mahal,huwag masyadong Defensive. Don't worry saatin nalang iyon."
Sabi nya at kinindatan ako.

Pweh! Kadiri!

"Ewan Ko sayo! Letche ka!"
Inis na sigaw ko sakanya.

"Hoy Rheign tara na sa kwarto. Matutulog na kame! At huwag kayong magtatangkang sundan kami dahil hindi nanamin kayo pagbubuksan ng pinto! lalo kana Harylton!"
dagdag ko at tinalikuran ko na sila.

"I love you too Mahal!"
Dinig kong sagot nya.

Napansin ko naman na nakasunod na pala si Rheign saakin at ang loka todo kung makasimangot.

Tsk! Problema nitong babaeng to?

"Ang harsh mo naman kay Papa Rhedge."
Padabog nyang sabi habang lumundag sa kama at nahiga.

"Problema dun?"
Pagmamataray na tanong ko sakanya habang nakacross arms pa ako at nakataas ang isang kilay.

"Baka kasi magsawa iyon sayo Best Friend. Paano nalang ang Khiedge loveteam?"
Tanong nya saakin kaya napasinghal ako.

"Tsk! Matulog kana. May pasok pa tayo bukas."
Sagot ko sakanya at nahiga na.

~*~

Kinabukasan...

"Best Friend!!!! Yahoo!!! Uy khianna bangon na dyan!"
Dinig ko na sigaw nya malapit sa tainga ko kaya napabalikwas ako sa kinahihigaan ko.

Argh!!! Ang aga-aga nambubulabog sya!

"Anong problema mo ang aga-aga!?"
iritadong tanong ko sakanya.

"Eh kasi Best Friend kanina pa kita ginigising dyan tulog mantika kanaman pala. Malelate na tayo sa school."
Sabi naman nya kaya biglang nagising ang diwa ko at naalalang lunes nga pala ngayon.

Sh*t!

Dali-dali akong lumabas at naamoy ko ang mga ulam na niluluto sa Kusina kaya sinundan ko ang amoy.

Bumungad naman saakin ang Apat na lalaki na naka-topless at tanging mga Aprons lang ang tumatakip sa kanilang katawan habang Abala sa pagluluto.

Hay nako!!! ang init-init na nga sa pilipinas pinapainit pa nila.

Ayt! Akala naman nila bagay nila.

Tsk! kaya dumarami ang mga naglalandiang kababaihan eh.

"Oh gising na pala ang ating mga prinsesa."
Ani Alexander nang mapansin nya kami.

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon