Chapter 26

63 21 5
                                    

Third Person's POV

"Kira, please huwag mo muna syang mahalin. Bigyan mo muna ako ng space dyan sa puso mo."

"Im sorry jake. Mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga"

Hindi maiwasan ni Khianna na maluha habang nanood sya ng Teleserye sa Tv. Bigla nya kasing naalala ang mga moments nila nang kanyang Best Friend na si Prince dahil mahilig sila sa Pag aarte.

Noong High School sila, palagi silang sumasali sa mga club na may kinalaman sa pag arte.

Pangarap kasi nila na makilala sa buong mundo sa larangan ng Pag arte ngunit hindi nila iyon magawa dahil sa mga business na dapat sila ang mamalakad nito kaya sila kumuha ng kursong may kinalaman sa Negosyo.

Habang nanariwa siya ng mga alaala nang kanyang Best Friend, tumunog naman ang kanyang telepono hudyat na may nagtext sakanya.

From: My Prince

Princess, See you soon. I miss you.

Hindi mapigilan ni Khianna na sumilay ang ngiti sa kanyang labi dahil sa text ng kanyang Best Friend.

Sa tanang buhay nya kasi, Si Prince ang maituturing nyang Best Buddy sa lahat ng bagay. Kung mabibigyan lamang sila ng pagkakataon, gusto nyang si Prince nalang ang maging real Prince ng buhay nya.

Childhood's sweetheart/Best Friend nya sya kaya sobrang espesyal ni Prince sa buhay ni khianna.

~*~

Sa kabilang Dako naman, Problemado si Rhedge dahil gusto syang ipidala ng kanyang Ama sa Kanilang Hacienda sa Tarlac upang sya muna ang mamahala rito nang Isang Linggo.

Kada-dalawang taon, ipinapadala sya ng kanyang Ama sa probinsya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin makasanayan ito ng binata dahil lumaki sya sa syudad ng maynila.

Sa kabilang banda naman, naiintindihan nya ang kanyang Ama dahil nais lamang nito na ipadanas sakanya ang buhay sa probinsya.

"Ano Bro, Sigurado kabang tutuloy ka parin sa inyong Hacienda?"
Tanong sakanya ni Basty sa Telepono.

Maliban kay Ethan, Lumaki rin si Rhedge na kasama ang Best Friend/Pinsan nya na si Basty.

Magkakaibigan ang tatlo simula bata palang sila. Sa lahat ng bagay, Sa kalokohan man oh problema sila ay magkakaagapay kaya kilalang kilala na nila ang bawat isa.

"Oo bro, Kialangan eh. May problema raw sa Farm."
Aniya sa kaibigan.

"Nga pala Bro, kailan uwi mo rito sa Pilipinas?"
Tanong niya sa kaibigan.

"Sa Makalawa na Bro, para mahabol ko ang susunod na semester."
Wika nya.

Si Basty ay kasalukuyan ngayong naninirahan sa France kasama ang kanyang pamilya dahil nagtayo roon ng negosyo ang kanyang mga magulang kaya siya nalayo kina Ethan at Rhedge.

Madalas magbakasyon rito si Basty kaya siya nakilala nina Alexander at Lance. Naputol ang pagbabakasyon nya rito ng magkaroon sya ng problems sa pagibig.

"Kumusta na pala iyong babaeng matagal munang hinahanap? Alam mo na ba saan sya rito sa pilipinas?"
Tanong ulit nya.

"Hindi pa Bro, mukhang labis ko syang nasaktan kaya ayaw na nyang magpakita. Syete! sa bandang huli talaga ang pagsisisi dahil nawala na sya saakin ng marealize ko na Mahal na Mahal ko na pala sya"
Saad ng binata na labis na nagungulila sa pinakamamahal niya.

Batid ni Rhedge kung gaano kamahal nang kanyang kaibigan ang dalaga dahil saksi siya kung gaano pagdusahan ni Basty ang pagkawala nito sa buhay ng kaibigan. Maging sila ni Ethan ay labis na naapektuhan sa dinanas ni Basty.

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon