Chapter 13

90 26 4
                                    


Lance's POV

Alexander : "Bro! Bakit kayo magkasama ni Khianna kanina? Ayieeeh!!! Siguro nagpatalo kana sa sinasabi mong pustahan kagabi noh? Sabi ko na nga ba eh! maiinlove ka rin kay khianna! Kanina mo lang ba narealize?"

Anak ng Tupa talaga si Alexander oh! Parang babae ang p*tcha!

Tsk! Hindi ba sya makaramdam na kanina pa namin sya tinititigan ni Ethan nang masama!?

Woooh! Letche! Tumahimik na nga kami ni Ethan kanina nang makita namin Sina Rhedge at Khianna na magkasamang pumasok sa Chem. Lab. para hindi na maalala ni Rhedge ang mga pinagsasabi niya kagabi.

Tapos itong ugok na ito ipapaalala lang pala!

Rhedge: "What the F*ck Alexander! Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na ligawan ang Nerd na iyon! Atsaka anong Pustahan ang pinagsasabi mo?"

Tahimik lang kami ni Ethan at kunwari wala kaming alam sa mga pinagsasabi nitong gagong Alexander na ito.

Alexander: "Grabe ka naman Bro! Ang hina talaga nang memorya mo kapag nalalasing ka noh?"

Rhedge: "SPILL IT ALEXANDER!!!"

Alexander: " Woah! Chill lang Bro! Ganito kasi yun..."

Tumigil si Alexander sa pagsasalita para kunin ang Cellphone nya sa bulsa at iaabot na sana niya kay Rhedge ito, ngunit nagsalita ako para pigilan ang gagong ito na iabot kay Rhedge ang Cellphone nya.

Ako: "Pre! Iyan ba yung bago mong cellphone? Patingin nga?"

Iyan ang pulusot ko para mapigilan lang si Alexander na ibigay kay Rhedge ang Cellphone. kahit na alam kong Isang linggong Cellphone na ni Alexander iyon at hindi na bago.

Ethan: "Oo nga pre. Patingin nga nang bago mong cellphone at bibili rin ako?"

Pati si Ethan pinipigilan na rin si Alexander sa balak nyang pagpapa-alala kay Rhedge sa mga nangyari kagabi.

Kilala namin si Rhedge kapag nalasing sya at kapag nagising sya kinabukasan, hindi na nya maalala ang mga pinaggagawa nya noong nalasing sya. Kaya naman todo pigil kami kay Alexander.

Hindi lang naman kasi para kay Rhedge lang ito kundi kay khianna na rin. Maraming posibilidad na pwedeng mangyari kaya dapat hanggat maaga pa, tigilan na ito.

Alexander: "Ha? Isang--- "

Ako: "Isang Daang libo yang cellphone mo pre? Patingin nga? "

Pagpuputol ko sa sinasabi nya bilang palusot.

Hahablutin ko na sana yung Cellphone nya nang mabilis na hinablot ni Rhedge ito. Kaya naman wala na kaming magawa nang buksan na nya ang Cellphone at panoorin ang video nya kagabi.

Rhedge: "There's a Bet between khianna and I. And, I am the one who made it. F*cksh*t!!!"
Sigaw nya saamin.

Tinanguan nalang namin sya bilang tugon sa mga sinabi nya. Hindi nga talaga sya maka-alala kapag nalasing sya.

Kaninang sabay sila ni khianna na pumasok sa Lab., Akala ko talaga sinimulan na nya ang sarili nyang laro.

Ethan: "Ano Bro? Itutuloy mo pa ba yang Laro mo? You know, we can break it. "

Ako: "Oo nga bro, Hindi pa naman nagsisimula ang laro kaya pwede kapang mag back out."

Hindi pa nga nagsisimula ang laro.

Sana nga hindi pa nagsisimula ang laro.

Rhedge: "No! Itutuloy ko ang laro na ito. Hindi ako duwag para sumuko sa isang larong ako mismo ang gumawa. "

Alexander: "Pero bro, hindi pa naman nagsisimula ang laro mo diba? Pwede ka pang sumuko."

Sana nga tama si Alexander na hindi pa nagsisimula ang laro.

Rhedge: "It's already started Alexander. Pagkarecord nyo nang video, nagsisimula na ang laro."

Ako: "Pwede naming idelete ang video bilang patunay na walang pustahang naganap. "

Rhedge: "No! Hayaan nyo yang video na yan sa mga cellphone nyo. Huwag nyong buburahin dahil iyan ang patunay na may laro ako. Papanindigan ko ito at sisiguraduhing ako ang mananalo sa laro."

Ethan: "Bro, Si khianna ang magiging kawawa rito. Wala naman siyang kalaban-laban dito. Don't you think that she's too vulnerable and innocent?"

Tama si Ethan.

Si khianna ang mapwepwerwisyo sa gagawin nya. Pero knowing Rhedge Zion Harylton, 'He's a man of his word.'

Hindi kumibo si Rhedge at nakikinig lang sa mga sinasabi namin.

Ako: "Maraming magiging posibilidad habang naglalaro ka Rhedge. Hindi natin ito mahuhulaan hanggat hindi pa ito natatapos."

Alexander: "Sa larong ito, hindi mo masasabi na ikaw talaga ang mananalo. Marami pang magaganap na hindi mo inaasahan. Tama si Lance bro, Hindi natin mahuhulaan ang mangyayari hanggat hindi pa tapos ang laro "

Ethan: "Siya. Hindi mo ba napapansin na nagiging mahalaga na si khianna sakanya? Isa sya sa mga masasaktan mo kapag pinagpatuloy mo ito. Mahal mo siya diba? "

Rhedge: "Sobra. Pero gagawa at gagawa parin ako nang paraan para hindi masaktan siya. Kung pwedeng ilayo ko sya sa Kahit na sino gagawin ko huwag lang syang masaktan. "

Ethan: "Hindi ba parang sobra na yata iyon Rhedge? kilalang kilala mo siya, Rhedge.Sigurado akong magagalit sya sayo kapag nalaman nya ang gagawin mo kay khianna. "

Rhedge: "Hindi ko alam.Bahala na! Basta ang alam ko ipagpapatuloy ko itong Larong to."

Ethan: "Bro, binalaan ka namin bilang kaibigan. Ano man ang magiging desisyon mo pagkatapos nito, hindi kana namin pakikialaman pa. Sana lang, ano ang magiging resulta nang gagawin mo hindi ka magsisisi sa bandang huli. Panindigan mo ang magiging resulta. "

Ako: "Bro, bilang kaibigan nandito lang kami sa likod mo"

Alexander: "Aba Lance! Ayaw ko naman na laging nasa likod lang ni Rhedge no! Kaya napagkakamalan syang pinaka gwapo saatin eh! Dahil nasa likod nya tayo, natatakpan ang kagwapuhan! Lalo na ako! masyadong unfair saakin dahil ako ang pinaka gwapo sainyo! "

Ethan: "Gago ka talaga Alexander! Seryoso na nga usapan oh!"

Tsk!

Pinagbabatukan nalang namin sya habang nagpupumiglas. Kung di ba naman kasi gago, ang seryoso na nga nang usapan dudugtungan pa nya ng kalokohan!

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon