Chapter 29

69 22 2
                                    

Dedicated this chapter to my fellow partners @El_falas and @voguetraveler

Khianna's POV

"Harylton"

"Harylton"

Ilang beses nang tinawag nang aming professor ang apilido nya ngunit walang sumasagot.

Tsk! Obvious naman siguro na wala sya noh?

"He's sick."
Tipid na sagot ni Lance kaya napalingon ang mga kaklase ko sakanya.

Tsk! Alam naman pala hindi pa sinabi eh naririnig naman nila na tinatawag ang kamahalan nila.

Ayt! Kahit kailan talaga mana sila kay Zion na pasaway din.

Napansin ko naman si Rheign na hindi mapakali sa upuan nya pagkatapos ang anunsyo ni Lance sa klase.

Maya't-maya ay nagpaalam sya sa Professor namin na pupunta raw sa clinic kaya nagmadali syang lumabas.

Ilang segundo palang ang nakakaraan matapos siyang lumabas ay ako naman ang nagpaalam na pupunta sa Restroom.

Palihim ko siyang sinundan kung saan sya magtutungo dahil iba ang pakiramdam ko sa kung saan sya pupunta.

Mas naghihinala ako ng lumiko sya ng daan at nagtungo sa back gate ng Academy papalabas.

Maingat akong nagtago sa mga pasilyo habang sinusundan siya upang hindi nya ako makita.

Maya't -maya ay tumawag siya ng taxi at sumakay rito. Nagmadali rin akong sumakay ng kotse nang makaalis ang sinasakyan nya at nagpasabi sa driver na sundan iyong taxi na kakaalis palang.

Nagdududa pa ang driver kung bakit raw namin iyon susundan ngunit patay malisya nalang akong nagsinungaling sakanya at sinabing kaibigan ko iyon at may nakalimutan sya kaya namin sya sinusundan.

Ilang minuto na ang nakakalipas habang patuloy parin kaming nakasunod ngunit habang tumatakbo ang kotse namin sa rutang napaka-pamilyar saakin ay lalong mas tumindi ang paghihinala ko sakanya.

Bakit nga ba rito sya pupunta?

Ano ba ang namamagitan sakanila?

May tinatago kaya sila?

Tumigil ang sinasakyan nyang taxi sa isang Mansion.

Mansion na sobrang nagpahanga saakin nang una ko itong masilayan.

Ang Mansion ng mga Harylton.

Pumasok sya sa Entrance gate ng walang kahirap-hirap, parang kilalang-kilala na sya sa lugar na ito.

Sino ka nga ba Rheign Zaira Tolentino?

Anong kaugnayan mo kay Rhedge Zion Harylton?

Mula sa siwang ng napakagarbong Gate nila ay tanaw ko ang pagsalubong ni Tita Rhian sakanya.

Niyakap nya ito ng sobrang higpit at napansin kong maluha-luha pa si tita habang sabik na sabik nyang hinahagkan si Rheign.

Ano nga ba ang meron bakit pati si Tita ganyan maka-react kay Rheign?

Alam kong isa lamang akong hamak na Transferee sa Harylton Academy at walang kaalam-alam kung ano nga ba ang mayroon rito pero iba ang kutob ko sa dalawang ito.

May tinatago sila sa Academy dahil hindi naman sila ganyan kapag marami ang nakakakita sakanila para lang silang Strangers sa isa't-isa kung magturingan.

~*~

Nandito ako ngayon sa Isang park malapit sa isang Mall.

Kailangan kong magpahingin kaya pumarito ako dahil hanggang ngayon ay patuloy parin gumugulo sa isip ko ang tungkol kay Rheign at Zion.

Tsk! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa pilit akong nakikisawsaw sa usapin ng dalawang iyon eh wala naman sila para saakin.

Hay buhay!!! nakaka-stress na!

Ayt! Makabisado na nga lang ang script na tinext saakin ni Prince sa drama club na sinalihan nya. Ibinigay kasi nya saakin ang script ng leading lady nya.

Ganyan kasi kami ni Prince kapag sumasali kami sa Drama club eh laging kami ang nakakakuha ng pinakamataas na role kaya laging kami ang magkalove team.Nasanay na kami na magpractice para sa isa't-isa.

Kinuha ko ang headset ko at sinaksak ito sa tainga ko. Nagdownload kasi ako sa cellphone ko ng music na babagay sa scene para mas dama ko ang padrama rito.

Mabuti nalang talaga walang masyadong mga tao rito sa park at makakapag acting ako rito ng bongga ehehe... baka kapag may nakakita saakin eh akalin nababaliw ako at isumbong pa ako sa barangay mahirap na.

Inayos ko ang headset sa tainga ko at itinago ko ito sa likod ng buhok ko, Sinigurong hindi mamapansin. Nang matapos ko nang ayusin ito ay marahan akong pumikit at dinama ang bawat linya na bininigkas ko.

"Alam mo, kahit ikaw na ang pinaka-antipatiko, playboy at heartbreaker na nakilala ko ay Mahal na Mahal parin kita. Hindi ko maiwasan na magselos sa tuwing may mga babae na nagpapantasya sayo. Shellfish man kung sabihin ko sayo na gusto ko lagi kalang akin. Zi, Mahal na Mahal kita.Sana kahit minsan mapansin mo rin na may pagtingin ako sayo. Sana Mahalin mo rin ako please."
Pagbibitaw ko ng linya habang may mga luhang nagraragasa saaking mga mata habng ako ay nakapikit.

Masyado akong nadala ng mga linya. Tungkol kasi ito sa sa isang babaeng naglilimos ng pagmamahal sa isang lalaking alam nyang kahit kailan ay hindi nya maaabot.

Nang mahimasmasan ako dahil sa pagdradrama ko ay napansin kong parang may presenyang nanonood saakin kaya ako biglang napadilat.

Oh God! Please, Sana hindi nya ako napanood. Please Po...

"Anong giangawa mo rito!?"
Natatrantang tanong ko sakanya.

Ngumisi lang sya at itinaas ang hawak nyang Cellphone saakin.

Oh My God! No Please. Sana mali ang iniisip ko.

"Awesome Khia! Ang galing mo palang umacting noh?"

Napansin ko naman na may pinindot sya sa Cellphone nya at bigla nalang nagflash sa screen ang mukha ko habang umaacting.

Urgh! This can't be!!!! Narecord nya lahat from the start!

Im Dead!!!

"Burahin mo yan!"
galit na sabi ko sakanya at pilit na hinahablot ang cellphone nya.

"No khia, Unless, Pumayag ka sa iuutos ko sayo!"
Sigaw nya saakin habang pinipigilan akong hablutin ang Cellphone nya saakin.

"The Heck Zion, Anong kalokohan nanaman to!?"

"Ano khia? papayag kaba o ikakalat ko itong video mo at sasabihin kong nagconfess ka saakin?"
Nakangisi nyang sabi saakin habang itinago ang cellphone nya sa bulsa nya.

"No! Your Black mailing me!!!"
Nangagalaiting sigaw ko sakanya.

"Ok."
Tipid na sagot nya saakin at umalis na.

"Urgh!!!! You're so Rude Zion Harylton!"
Sigaw ko sakanya habang papalayo sya sa kinatatayuan ko.

"See you Tomorrow Mahal! Bukas Sikat kana!"
Sigaw nya saakin at tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Argh!!! NAKAKAINIS SYA!!!

Akala ko ba may sakit sya!? Eh Bakit sya nandito at Binubwiset ako!?

Letche ka talaga Harylton!

Bweset ka!

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon