Chapter 37

194 10 7
                                    

Khianna's POV

Tsk! Ano ba yan tinatamad akong mag PE! Kainis naman kasi eh! shorts ang susuotin pambaba dahil sports naman daw ang gagawin.

Ayt! Duh Eckk! Sana pala Educ. major in PE nalang ang kinuha kong kurso hindi na Bussiness Ad.! For pete sake! My Goodness! I am now a second year college student pero hanggang ngayon may PE pa kami.

Argh! Kaasar lang!

Bwiset akong pumasok sa loob ng dressing room ng Gym namin kasama si Rheign dahil as usual feeling close nanaman sya kung makasunod.

"Oh Come on My Dear Pooritas! Hahahaha!!!! Let's have some warm ups?"
sabi ni Dane saamin at pinaikutan pa talaga ako't tiningnan mula ulo hanggang paa.

Problema nitong Hipokritang ito?

"By the way My Dear, Do you know na nakalipat na ako sa section nyo?"
Sabi nya saakin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

Pakialam ko naman kung nakalipat na sya sa section namin? Anong gusto nya magpaparty ako para sakanya?

Ulol nya!

Hinawakan ni Natasha ang isa kong kamay. Sa isa naman ay si Diana. Si Rheign naman ay tinulak ni Aira sa isa sa cubicle at kinulong roon.

Mukhang pinagplanuhan ng mga Demonyita ito ah, dahil malinis ang buong Dressing Room at tanging kami lang ang tao rito.

"Hinintay ko talaga ang pagkakataong ito Khianna!"
matigas nyang sabi at sinampal ako nang ubod nang lakas.

*Pak!*

"Walang Hiya ka talaga Dane!"
sigaw ko sakanya ngunit tinawanan nya lang ako.

Nagpumiglas ako ngunit wala itong silbi dahil sa tuwing gumagalaw ako at pinepwersa sila ay bumabaon ang mga kuko nina Diana at Natasha sa mga braso ko.

Tinignan ko naman ng masama si Aira na nakasandal lang sa pader ng Cr at maladimonyong ngiti ang nakasilay sa kanyang mga labi habang pinapanood nya ang sunod-sunod na pagsampal at pagsabunot ni Dane saakin.

Flashback...

"Best Friend, Tulungan mo ako! Sabihin mo sakanila na hindi ako ang maygawa nyan. Please!"

Imbes na tulungan nya ako ay sinampal nya ako nang ubod ng lakas dahilan upang matumba ako.

"Hahahaha!!! Hindi ako tanga Anna para tulungan ka. Well, Deserve mo yan dahil yan ang nababagay sa mga mangaagaw na katulad mo!"
Sigaw nya saakin at sumunod na sa mga maldita nyang kaibigan.

Present...

Napakawalang-hiya talaga nya!
Wala syang utang na loob!

Pinakain, binihisan at itinituring ko sya bilang kapatid tapos ito lang ang igaganti nya saakin?

Nilakasan ko ang pagpupumiglas at itinulak si Dane upang masugod ang Demonyita kong Ex-Bff ngunit hinila ni Diana ang buhok ko at pinagtulungan nila akong pagsasampalin.

Pinilit kong lumaban ngunit masayado silang madami kumapara saakin na nag-iisa lang.

*bogsh!*

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING TO HER!?"
nagtatagis bagang nyang sigaw kaya feeling ko eh aatakihin ako sa puso sa pagkakakita ko sakanya ngayon.

Is he going to save me from them?

or

He's here because Im with Rheign?

Kahit ano pa man sa dalawang iyan kung bakit sya naririto ay wala akong pakialam! Dahil ang concern ko ay madala na ang apat na ito sa Impyernong dapat nilang kinalulugaran!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon