Chapter 19

93 21 4
                                    

Saturday Night

Khianna's POV

Hay buhay! Nakakapagod din pala ang magbasa ng libro maghapon at gumawa nang review nito. Mabuti nalang at naki-cooperate naman ang bawat isa kaya nakatapos kami nang Apat na book review maghapon.

"Babes, inaantok na ako. Saan ba pwedeng matulog dito sa palasyo mo?"
Tanong naman saakin ni Alexander habang nag-uunat pa na animo'y antok na antok na talaga.

"Tsk!"
Narinig ko namang sabi ni Zion sakanya.

"Teka lang.. sa lapag nalang kayo matulog at doon nalang kami nitong babaeng to sa kwarto ko."
Pagpapaliwanag ko naman sakanila.

"What!?"
Inis na tanong naman ni Zion saakin.

"Mayreklamo ka Zion Harylton!?"
Pagtataray na tanong ko sakanya.

"D-did you called him Zion!?"
Sabay na tanong nina Ethan at Rhiegn saakin.

Tinaasan ko nalang sila ng kilay at sabay sabing..

"Yeah, you heard it right. Zion the Lion."
sagot ko sakanila habang nakatingin ako kay Zion na nakataas ang kilay.

"May problema ba roon?"
Pahabol ko pang tanong sa kanila.

Nagtawanan naman iyong tatlo at sinaway ni Rheign dahil napansin ata nyang nakuyom na ang kamao ni Zion at nakatingin nang masama saakin.

Nginitian ko nalang sya ng nakakaloko at iniwan na upang magtungo sa silid at kuhanin iyong banig na tutulugan nila.

"Oh, Kayo na ang bahalang mag ayos ng higaan nyo. Malaki na kayo. Kaya nyo na iyan."
Sabi ko sakanila sabay hagis naman ng banig at nasalo ni Ethan.

"Ah!?"
Inosenteng tanong naman ni Ethan saakin habang tinitingnan ang banig na hawak nya.

"May problema ba Ramos?"
Tanong ko sakanya habang naka-cross arms ako.

"A..ah..E..eh kas---"

"Ano bang gagawin namin dyan ah!?"
Pagpuputol na tanong naman ni Zion kay Ethan.

Tsk! bakit ba ang reklamo ng lalaking to?
Dinaig pa ang hari kung makapagreklamo.

"Siguro gagamitin nyo yan pangpicnic. Diba magpipicnic naman yata kayo magdamag? kaya ayan banig, nawa'y makatulong yan!"
Pamimilosopo ko sakanya.

Tumayo naman sya at nanggigil na lumapit saakin at nakipagsukatan ng tingin.

"Nakarami kanang babae ka ah!"
Nanggigigil nyang sabi saakin at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko.

"Sino ba ang pinakamaraming kaartehan dyan ah? diba ikaw? ZION"
Pagdidiin ko sa mga salitang binitawan ko at gaya nya, inilapit ko rin ang mukha ko sakanya hanggang ang makapal ko nalang na salamin ang pagitan ng mga mukha namin.

Habang nagkakatitigan kami nang masama, bigla nalang napadako ang tingin ko sakanyang mamula-mulang labi at napalunok ako. Ganoon din sya nang nakabalik na ako sa huwisyo ko at nakita kong sa labi ko parin siya nakatingin.

Sisipain ko na sana ang kayamanan nya nang biglang nagsalita si Alexander at pinaghiwalay nya kaming dalawa.

"Whoa! Masyado nyo naman akong pinapaselos nyan! Akala ko ba Babes khianna ako lang ah? Diba pinangakuhan mo pa ako na ako ang pakakasalan mo? pero bakit mo pinagnanasaan ang labi ni Rhe-"

Bago pa nya matapos ang pagbanggit sa pangalan ng gagong si Zion, Binatukan ko nalang sya.

"Anong pinagsasabi mo Sandoval? nakakadiri ka alam mo ba yun? kahit kailan di sumagi sa isip ko na pagnasaan yang labi ng kamahalan nyo!"
inis na sabi ko sakanila.

BEHIND THAT MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon