READ>>>COMMENT>>> IT'S UP TO YOU KUNG IVVOTE NIYO PO ^_____^Chapter III
.
.
.
"Kyle, pwede mo ba akong samahan sunduin yung bestfriend ko?"
"Susunduin? Diba lalaki naman yon? Bat kailangan mo pa siyang sunduin? Kaya niya na yon.!?" Sabi ko sa kanya ng medyo naiinis.
"Kyle? Galit kaba? Hmm, sige okay lang naman kung ayaw mo akong samahan e. Sorry, ingat ka!" Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Gianna! Teka! Sige, sasamahan na kita! " sabi ko sa kanya kahit ayaw ko >,< ewan ko! May nararamdaman akong inggit sa bestfriend niya kahit hindi ko pa siya nakikita.
Medyo malayo at commute lang kaming dalawa, kung bakit ba naman kailangan pang magpasundo ng Bestfriend niyang yon e. Kung babae yon. okay lang e lalaki e. Tss
Medyo inaantok na ako :| -___- Si Gianna, nakakatulog na siya kaya yung ulo niya nilagay ko sa balikat ko.
Pagkarating namin, naghintay pa kami kasi hindi namin makita kung asan yung isaac na yon.
at biglang.
"Beeeeeeest! (Biglang yakap sa bestfriend niya)"
-___-Hayy, Out of place ako ah? Tss nagseselos ba ako sa isaac na yon?
"Ehem! Ehem! Welcome back pare! " sabi ko sa kanya
"Hmm, Gianna. Sino yan?" sabi nung Isaac na medyo masama ang tingin saken.
Magsasalita na sana si Gianna pero inunahan ko na siya. "I'm Kyle Doniel Yang! One of Gianna's bestfriend, si Isaac ka diba? Bestfriend din niya.?"
"ah, oo pare! Matagal na kaming magbestfriend ni Gianna (biglang umakbay siya kay Gianna)"
Anong gustong palabasin ng Isaac na to? Na sila lang ang pwedeng maging magBestriend? at ipamukha saken na "bago ka palang niyang bestfriend, kami matagal na kaya mas may karapatan kaming magusap" Tsss, bwisit na Kupal to ah! Wala pa siyang ginagawa saken na masama pero ang init na ng dugo ko sa kanya.