READ>>>COMMENT>>> IT'S UP TO YOU KUNG IVVOTE NIYO PO ^_____^
***GIANNA'S POINT OF VIEW***
Pag pasok na pagpasok ko palang sa may guard house para dumaan, may pumansin na sa akin agad agad.
Syempre bukod kay kuya manong guard may iba pang pumansin sakin.
Kasi sa araw araw na ginawa ng Diyos. Dumadaan ang isang araw na halos si Kuya manong guard ang pinakaunang bumabati sa akin ng Good morning at nang Ingat paguuwi na ako.
Pero this time, may mas nauna kay kuya manong guard.
Lalaki ang boses at hindi ko siya kilala...
Hindi ako sanay na may pumapansin sa akin na lalaki dahil never akong nanotice ng boys dito sa school.
EXCEPT TO MY BESTFRIENDS :) ISAAC AND KYLE...
"Ate!...." tawag nung lalaki
first call niya hindi ko pinansin, kasi nga never p akong napansin ng lalaki dito kaya baka pag lumingon ako. Maging assumera ako, baka hindi pala ako yon diba.
"Ateee!"
Second call. napatigil na ako. Pero hindi pa din ako lumingon. Kasi baka nga hindi ako yon. hahaha
"ATE NA NAKABACK PACK NA JANSPORT!"
Third call. ooooops, ako ang nakabag na Jansport ah.
Pero may katabi akong babae na ang bag din Jansport... baka siya hindi ako.
Lumingon nga naman yung katabi kong babae, kasi baka nga siya hindi ako.