READ>>>COMMENT>>> IT'S UP TO YOU KUNG IVVOTE NIYO PO ^_____^
3
2
1
Ngayong maayos at magaling na ako, agad akong nagpaImbestiga sa mga police kay Eric.
Ipinahanap ko na din si Gianna sa mga ito.
Ilang Linggo ang nagdaan at bumalik ako sa mga police.
"Sir? Ano na po ang balita tungkol kay Eric Satorre? at kay Gianna Chynna Lao?"
Tumingin lang sa akin ang police at sinabing.
"Pasensya kana, pero mas marami pang kaso ang dapat naming unahin. Pero sisiguraduhin namin na maiimbistigahan namin si Eric Satorre. At si Gianna Chynna Lao ay sinisimulan na namin ipahanap."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nakakaramdam ako ng inis dahil sa napakabagal nilang pagAksyon.
"Sige, balitaan niyo nalang ako agad pag may nakuha na kayong impormasyon."
sinabi ko at bumalik na agad sa kotse
Kung nagmmodel si Gianna, bat walang lumalabas na picture niya? Bakit hindi nila pinifeature?
tsk. Hindi talaga ako komportable sa ganito lang. Dapat mahanap ko na agad si Gianna.
***END OF KYLE'S POINT OF VIEW***
***ERIC'S POINT OF VIEW***
Masaya ako dahil naramdaman ko kay Gianna ang mahalin din ng totoo.
Pero biglang sumasagi sa isip ko na paano kung ang pinapakita niyang pagmamahal sa akin ay hindi totoo?
Dahil bigla ko nalang siyang pinilit na mapasakin.
Pinatira sa bahay ng wala man lang paalam sa pamilya niya.
At isa pa, pinagbantaan ko siya na papatayin ko ang pamilya niya paghindi siya sumunod sa akin.
Baka puno na ng galit ang kalooban ni Gianna sakin pero hindi ko pa alam?
Ang tanging gusto ko lang naman ay maramdaman ulit yung pagiging maaalalahanin niya nung unang magkakilala kami.
Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Siya yung simpleng maganda.
Sa totoo lang, natutuwa akong ilang buwan ko na siyang nakakasama at ngayon lagi niya akong binubully.
Okay lang sa akin dahil masaya siya sa ginagawa niya, pero pag sobra na. pinapatigil ko na siya.
Ngayon ko nalang ulit naramdaman na magmahal ng totoo.
Hindi ko inilalabas ang mga picture niya, dahil alam kong masama ang tingin sa akin ng pamilya niya o kahit ng kyle na yon.
Sa studio namin sa ibang bansa ko inilalabas at ikinocover ang picture niya na nagpapasikat sa kanya.
Matagal ko ng ipinapahanap ang pamilya niya para magkasama sama na sila nila Gianna, pero hindi mahanap ng mga tao namin ang pamilya niya.
"Babes, may sasabihin ako sayo...."
ipagtatapat ko na sana sa kanya na wala akong balak pahirapan ang pamilya nila dahil ang gusto ko lang ay mahalin niya ako.
pero.... biglang may nagtext sa kanya na unknown number.
"Patay na ang pamilya at ang bestfriend mo...Humanda ka! Ikaw na ang susunod!"
----Unknow NumberBigla nalang siyang naluha at humagulgol ng iyak!
Tumingin siya sakin ng masama, galit na galit na pinaghahampas ako.
"Napaka Sama mong tao! Akala ko mabait ka! Akala ko may kasunduan tayo?! Pero anong ginawa mo? Bakit mo sila pinatay!"
Pinaghahampas niya pa din ako.
"Giannna! Tumigil ka nga!" Sigaw ko
"Bat ako titigil? Kulang pa anng mga hampas na to sa sakit na pinaparamdam mo sakin ngayon! Oh? Ano?! Isusunod mo ako?! Sige! Patayin mo na ako! Wala na din naman dahilan para mabuhay pa ako.!"
Bat niya nasasabi ang mga bagay na yon.
Kaya kong manakit ng tao dahil may kakayahan ako, pero ang pumatay ng tao ay hindi ko kailan man magagawa.
"Babes! Makinig ka sakin! Hindi ko pinatay ang pamilya mo! Hindi ko magagawa yon!"
mahinahon kong sabi sa kanya.
"Wag na wag mo akong matawag tawag na babes! Hindi dapat ako naniwala sayo! Minahal na kita, pero nagkamali ako! Hindi ka dapat mahalin."
Sumbat niya sa akin at agad na kinuha ang mga damit niya sa cabinet
A-ako? Hindi ako dapat mahalin?
Natigilan nalang ako bigla ng sabihin niya yon.
At unti unti kong naramdaman ang luha kong dahan dahang tumutulo.
"Siguro tama ka....hindi ako dapat mahalin....dahil walang ibang babaeng nakakakilala sa akin kung sino talaga ako. Ang tingin ng mga tao....Masama ako....Tanging pamilya ko lang ang nakakaunawa sa totoong ako. Sige Gianna. Hindi kita pipigilan. Okay lang na umalis kana dito sa bahay. Pasensya kana. GUSTO KO LANG NAMAN MARAMDAMAN ANG TOTOONG PAGMAMAHAL. AKALA KO IKAW YUNG TAONG YON! SORRY."
Sinasabi ko yon habang nakatungo ako at tuloy tuloy na lumuluha.
Tumahimik ang buong kwarto ko. Natigilan si Gianna. Nakatayo lang siya sa harapan ko.
Dinala na niya lahat ng gamit niya at tumakbo palabas ng kwarto.
Aalis na ngang talaga siya.
Aalis siya ng galit sa akin.
Aalis siya na ang tingin sa akin ay kriminal.
Mawawala na siya sa akin. T.T
***END OF ERIC'S POINT OF VIEW***