READ>>>COMMENT>>> IT'S UP TO YOU KUNG IVVOTE NIYO PO ^_____^
3
2
1
Sa bahay na namin tumira sila Gianna at ang pamilya niya...
Hindi dahil gusto ko, pero gusto nila mommy at dAddy na sa bahay namin sila tumira.
Tuwang tuwa kasi sila sa pinsan ni Gianna. Parang natupad na ang gusto nila mommy na magkaroon ng babaeng anak.
At nakikita ko naman sa mata nila na masaya silang nasa bahay namin sila.
Halos ilang buwan na ang nagdaan at mas lalo pa kaming nagkakilala ni Gianna.
Sa tingin ko sa ginagawa ko noon palang ay panliligaw na ang ginagawa kong ito.
Dahil ang feelings namin sa isat isa ay mutual.
Lumalabas kami ng kaming dalawa lang at
pag minsan ay nagkakatampuhan din.
Pero hindi ko ito pinatatagal lalo na kapag nararamdaman kong nagseselos siya sa mga babaeng umaaligid sa akin.
Naisip kong gumawa ng isang surprise kung saan napapasagot ko siya ng Oo.
Sapat na siguro ang paghihintay ko para maging girlfriend ko na siya.
Nagpunta ako sa Starbucks kung saan unang beses kaming nagkakilala.
Nagpatulong ako sa mga nagtatrabaho doon na ayusin ang place nila.
Hindi ayos na obvious na may mangyayaring something special.
Pero pag natanong ko na sya ay saka palang makikita ang something special na sinasabi ko.
Nagpalagay ako ng Freedom wall kung saan ilalagay ko ang "Will you be my girl?" :">
Tatanggap pa din sila ng customer para hindi mahalata ni Gianna.
6 o'clock in the afternoon(Sunday)
Oras na para ayain siya.
"Gianna, Magayos kana. Magsisimba pa tayo. Tapos after natin magsimba starbucks tayo ha?"
"Sige sige, sasabihin ko lang sa kanila na magayos na din sila."
Nakangiting sabi niya
"Wag na Gianna, nasabi ko na sa kanila."
NagNod lang si Gianna at nagayos na din.
Nang aalis na kami sa bahay, Agad niya akong tinanong.
"Kyle, Asan sila? Nauna na ba silang umalis?"
curious na tanong niya
"Oo Gianna, ang tagal mo daw kasi." pabirong sabi ko..
Umalis at nagtungo na kami sa simbahan.
Pagbaba na pagbaba namin ni Gianna ay nakita namin si Eric, May kasama siyang babae.
MagkaHolding hands sila.
Napatingin lang din sa amin sila Eric.
Si Gianna naman, natulala at parang nawala ang saya sa muka.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Gianna. at sinabing "Gianna? Wag mo silang isipin. Andito ako oh."
Napangiti nalang siya sakin ng pilit at lalakad na sana kami papunta sa loob ng simbahan ng Harangin kami nila Eric.
"Gianna! Kyle! Kamusta kayo? Girlfriend ko nga pala si Erin"
"Erin? Diba ikaw yung babaeng nakilala ko noong tinuro mo sakin si Eric kasi tinatawag mo ko?" agad na sagot ni Gianna
"Ay Oo, ako nga yon! Buti naaalala mo pa ako."
Sagot ni Erin
Natahimik na ulit si Gianna at tumungo.
"Sige pare, Papasok na kami sa loob ha."
sabi ko kay eric
Hindi ko na pinatagal at umalis na kami.
Alam kong nasasaktan pa din si Gianna dahil may selos siyang naramdaman kay Erin.
Pero.... ako, hindi ko lang pinahalata na sobrang nagseselos din ako kay Eric dahil may nararamdaman pa din si Gianna sa kanya.
Inalis ko nalang agad sa isip ko dahil wala din naman mangyayari kung magseselos ako sa kanya lalo nat alam kong hindi na naman sila magkakalapit ulit.
after 45minutes ay natapos na din ang misa, agad kaming umalis para pumunta sa starbucks.
sa totoo lang ay may kaba sa saya kong nararamdaman. Dahil hindi ko alam kung mapapasagot ko ba siya ng Oo.
A/N: mapapasagot kaya niya si Gianna ng YES o NO.?.
ABANGAN.. =)