Three

11.5K 320 30
                                    

"Sunny ikaw daw ang mag pasa kay Sir Jake" pag kaabot niya saakin ng files eh inirapan niya ako

"Hindi ba ay ikaw ang secretary niya? Magagalit si Maam Verna sakin" bumuntong hininga naman ito at maiyakiyak akong hinarap

"Ikaw na ang secretary niya , nakipag palit kay Maam Verna kaya ako na ang gagawa ng trabaho mo" saka ito nag walkout

Napabuntong hininga naman ako at tumayo sa aking upuan , napadaan ako sa salamin kaya nakita ko ang tyan ko na hindi mo pa mahahalata ang umbok aakalain mong busog lamang ako.

Kapit lang baby ha , saka ko hinimas ang tyan ko at pumasok na sa office ni Sir Jake

"Sir eto daw po ang susunod na kasong ihahandle ninyo" saka ko nilapag sa table niya ang folder

"Goodmorning" nakangiting bati nito saakin nahiya naman ako hindi nga pala ako bumati

"G-goodmorning po"

"Umupo ka muna" sinunod ko naman siya "Nag almusal ka na ba?" tanong nito

"Opo , Sir yung sa kaso po" sabay turo ko sa folder pero hindi niya iyon pinansin

"Ipapalipat ko ang table mo dito sa loob ng office ko para hindi na malayo ang nilalakad mo at para lagi na rin kitang nakikita" napabuntong hininga naman ako

"Atty. Jake Emillio" natawa naman siya

"Okay okay" saka siya nag taas ng dalawang kamay "Chill ka lang , ikaw naman masyadong seryoso. Sabihin mo na lang kay Atty. Verna salamat sa binigay nilang reference ng asawa niya" tumango naman ako at nag simula ng mag lakad palabas ng office niya

"Uhh Sunny" napalingon naman ako sakanya

"Ano po yun Sir?" ngumiti naman siya agad

"Wag ka na mag suot ng matataas , baka mapano ang baby" tumango naman ako at lumabas na

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na buntis ako , pero di hadlang yon sa mga pumoporma saakin gaya ni Sir Jake

Pag patak ng alasingko eh inayos ko na ang gamit ko , nagulat naman ako ng kunin iyon saakin ni Sir Jake

"Sir akin na po" nginuso lang niya ang orasan

5:02

Napailing naman ako , ganyan siya. Pag patak ng 5:01 eh gusto niya Jake na lang ang itawag ko sakanya.

Akma namang ilalagay niya sa kotse niya ang gamit ko ng pigilan ko siya

"Jake sasakay na lang ako" umiling naman ito "Pero..."

"May ka meeting ako sa coffee shop at bilang sekretarya ko isasama kita" saka ito ngumisi

Hindi naman ako nakatanggi pa dahil kasama iyon sa trabaho ko at sht lang bakit Jake lang ang tawag ko sakanya kanina!

"Ang tahimik pala ng magagandang buntis no?" napatingin naman ako sakanya saka siya tumawa "Ang tahimik mo kasi" namula naman ako

"P-pasensya na po Sir"

"Ano ka ba sabi ko sayo Jake lang diba? Pinapatanda mo naman ako masyado" saka nito pinarada ang sasakyan niya

Pag pasok namin sa coffee shop bigla na lang akong kinabahan , parang gusto ko na lang umuwi pero hindi pwede trabaho ito.

"Nasaan na ba yung masungit na yun?" sabay tingin niya sa relo niya

"Uhh Sir mag cr lang po ako" tumango naman siya

Pag pasok ko sa cr eh tinignan ko ang muka ko sa salamin , parang namutla ako kaya nag lagay ako ng kaunting lipstick at lumabas na. Natanaw ko naman na may kausap na si Jake na lalake nakatalikod ito sa pinanggalingan ko kaya di ko alam kung sino.

"Storm eto na pala si Sunny yung kinukwento ko sayo" nabato naman ako sa kinauupuan ko at napatitig sa lalake sa harap ko

Nakita ko ang pag ngisi niya kaya kinilabutan ako. Anong ginagawa ng gagong yan dito?

"So she's the girl?" kumunot ang noo ko "Well ok naman siya" saka niya ako nginitian

"Oo nga pala Sunny ito si Storm Marcos , Storm ito naman si Sunny Cornell secretary ko"

"Nice to meet you po" bati ko dito ngumisi naman itong nakakaloko

"Oh nice meeting you again Sunny" saka niya kinuha ang kamay ko. Tanginamo!

Kahit gustong gusto ko siyang sapakin eh di ko magawa , syempre kliyente siya ni Sir Jake

"Again? You've met each other already?" sht! I forgot about Jake

"Yes pinsan , sa manila even dad met her already" saka niya ako nginisihan at tumingin sa tyan ko tinakip ko naman ang bag ko dito

"Sunny you met Tito Francis?" tumango naman ako

"Y-yes" humagalpak naman sa tawa yung demonyo napansin siguro na kabado ako

"Now that you mention it what a lovely meeting especially mom , Right Sunny?" Jake looked so confused so i changed the topic

"So Mr.Storm Marcos about the case" umayos naman siya ng upo at diniscuss kay Jake ang problema

Kung ako ang masusunod i wont help him with his case , he pounded to pulp two reporters and i cant see a single bruise not even a scratch! Then he's complaining like a hurt child , I rolled my eyes.

"I'll email you the output , but for a while dont entertain an interview even a single statement" saka inayos ni Jake ang mga papeles kaya kinuha ko na ang case niya at ako na ang nag ayos nito para sakanya

"You're going already?" tanong ni Storm kay Jake tumango naman ito pinatong ko naman sa gilid ang case pagkatapos ko itong ligpitin

"Sunny needs to rest OT na siya , baka makasama sa baby" saka ngumiti si Jake saakin I smiled back but when I turned to Storm nakataas lang ang kilay niya

"She's pregnant?" tanong nito

"Yes" I answered

"Where's the father?" he asked again , gusto kong sabihing siya tangina niya

"Well i heard he's having a great time sa palagay ko nga eh pangarap niyang maging boxer sa dami ng binubugbog" tumingin naman ako kay Jake na naka kunot ang noo

"Didnt know that your ex is an aspiring boxer" sabi ni Jake saka humagalpak ng tawa nakita ko naman ang pag igting ng panga ni Storm so I smiled sweetly

"Nah he's not even my ex to begin with kaya di na siya dapat pinag uusapan" I looked at Storm again and I think one more push he'll explode "I need to go home. Nice meeting you Mr.Marcos" saka ako nauna palabas

Bearing a MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon