Six

10.8K 294 36
                                    

Habang nag mamaneho si Storm panay ang tingin niya saakin. Muka siyang batang nakagawa ng kasalanan at parang pusang di matae.

Kung nasa mood lang ako eh tinawanan ko na si Storm pero hindi. Kahit anong gawin niya hindi ko siya pag tutuunan ng pansin.

Tumikhim siya ng isang beses pero umirap lang ako sa kawalan habang diretso parin ang tingin sa daan. Muka na akong nag iinarte ng sobra pero wala akong pakielam! Buntis ako at malikot talaga ang mood ko.

"A-are you hungry? What d-do you want to eat?" humalukipkip naman ako at umiling habang diretso parin ang tingin sa daan

Silence filled the car. Wala akong pakielam kung antukin man siya sa sobrang tahimik he can open the radio or play something in his playlist. I don't care.

Nang mapansin ko kung saan kami papunta nanlaki ang mata ko. Wth?! Pamanila to ah! Napatingin naman ako sa relo ko at labas ng sasakyan, nakita ko namang papalubog na ang araw! Kahit gusto kong mag protesta hindi ako makapag salita. At lintek hindi ako mag sasalita! I won't give him the chance to talk to me!

Napapikit ako ng tahakin namin ang pamilyar na daanan. Dalawang beses pa lang ako nakapunta dito pero naalala ko padin ito, malinaw pa sa alaala ko. He opened the car door for me pero dire-diretso lang ako papasok ng mansyon nila.

"Good Evening po, Mr.President" natawa naman ang matanda at napailing

"Good Evening din Hija! Don't call me Mr.President you can call me Dad" saka siya napatingin sa nakaumbok kong tiyan "Mabuti naman at napa payag ka na ni Storm na mag punta dito" kumunot naman ang noo ko saka ko naramdaman ang mainit na palad sa bewang ko

"Binigay ko na ang resignation letter niya kay Jake, Dad"

"Well that's good to hear. So kailan kayo mag papakasal? I don't want my grandchild to be born ng hindi pa kayo kasal"

"We're already married Dad" nanlaki naman ang mata ng matanda at tumingin saakin "Since when?"

"May isang linggo na po... Dad" sagot ko kaya't lumawak ang ngiti nito

Dinala naman niya kami sa dining room kaya't hindi ko napigilan ang pag tahip sa aking dibdib. D*mn I'm sure nandoon na ang Mommy ni Storm. Ano kayang magiging reaksyon niya?

Hindi na nasundan ang first encounter namin matapos ang nakita niya sa kwarto ni Storm. Mas busy pa siya kay Pres- I mean Dad.

"Daniella nandito na sila Storm" napatingin naman ako sa isang sopistikadang babae. She really looks younger in person!

"Welcome Sunny" nilapag niya ang hawak niyang pasta sa lamesa saka lumapit saakin at niyakap ako "I've been waiting for this day para mapatikim ko sayo ang luto ko" ngumuso naman ito "Itong si Storm kasi ang daming arte sa buhay" saka niya piningot sa tainga ito

"Aray! Mommy naman!" umirap lang naman ito kay Storm

"Brat. Hindi ko alam kanino ka nag mana" saka niya ako hinatak palapit sa mesa

Tumagal ng isa't kalahating oras ang dinner naming apat. Panay kasi ang kwento ng Mommy ni Storm at tanong tungkol sa pag bubuntis ko. Excited naman silang malaman kung babae ba o lalake ang magiging apo nila.

Pag pasok ko sa kwarto ni Storm naligo agad ako. Ramdam na ramdam ko na kasi ang lagkit ng balat ko. Nakatapis na ako ng twalya ng maalala kong wala pala akong dalang damit! Kaya sumilip muna ako sa labas ng makitang wala pa si Storm sa loob ng kwarto eh lumabas na ako.

Basta na lang akong kumuha ng isang itim na boxer shorts at puting V neck shirt niya. Pagkatapos ko mag bihis nakita ko si Storm na nakanganga habang naka upo sa couch sa may madilim na parte ng kwarto. Don't tell me...

"H-hindi ko sinasadya!" At doon ko nakumpirma na nandoon siya mula kanina!

Agad naman akong pinamulahan kaya't tumalikod agad ako sakanya at kinuha ang isang makapal na libro malapit saakin saka binato sakanya iyon.

"Manyak! Hinayaan mong mag bihis ako sa harapan mo! Pwede mo namang sabihin na andyaan ka! Arrgh!" Napahawak naman siya sa ilong niya at pag alis ng kamay niya eh may nakita akong dugo doon kaya't nataranta agad ako

"W-what the f-...." agad naman akong lumapit sakanya at hinawakan ang muka niya

"Hala! A-ayan ikaw k-kasi. Sorry Storm nabigla lang ako. Masakit ba?" tanong ko dito saka pinunasan ang dugo sa ilong niya gamit ang tuwalya

"Hin-... I mean oo! Sobrang sakit aray ko!" Namilipit naman siya doon kaya agad akong nakunsensya

"Anong gagawin ko?" hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pag ngisi niya pero binaliwala ko iyon kasi nasaktan siya

"K-kiss..." hahalikan ko na sana siya nang napag tanto ko kung ano ang gusto niya

"Niloloko mo ba ko?!" nakita ko namang napapikit siya at humawak ulit sa ilong niya

"A-aray ang sakit talaga" nakunsensya naman ako kaagad

"B-bakit naman kasi kiss?"

"Ahh! Sobrang sakit talaga!" napakagat naman ako sa labi ko at hinalikan siya sa labi saglit

Natigil naman siya sa pag iinarte matapos ko siyang halikan. So okay na? Nakita ko naman ang pamumula ng tenga ni storm pft.

"Kinilig ka naman" saka ko binalik ang poker face ko at tinalikuran siya para mahiga sa kama

Napangiti naman ako nang maramdaman kong humiga na siya sa kama at pinatay ang ilaw. Tameme si bagyo.

Bearing a MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon