B2:1

1.8K 42 10
                                    

1week na kong nag aantay na iaccept ni Storm ang friend request ko sakanya. And ilang beses na din akong paulit ulit na nag sesend para agad nya itong makita pero wala padin!

"Sunny!" sigaw ni Micha at inabot sakin ang phone nya, may post si Storm 1min ago!

Dali dali ko namang inadd ulit si Storm pero lumipas ang mag hapon ay wala padin. Nakakainis! Bakit si Micha ay inaccept nya at ako hindi?! Tatawa tawa naman sa tabi ko si Micha kaya binato ko to ng unan sa muka.

"Wth? Kasalanan ko ba na iaccept ako tapos ikaw hindi?" ngumisi naman si Micha at napahawak sa bibig "Hindi kaya ako ang type ni Sto- aray ano ba!" sigaw nito ng batuhin ko ulit sya ng unan

"Nakakainis Micha ha di ako natutuwa!" saka ko binaon sa ulo ko ang unan na yakap ko

Nalimutan ko na din ang di pag accept ni Storm sa friendrequest ko. Inisip ko na lang na gusto nya maging more than friends kaya't ayaw nya iaccept.

Naghanda naman ako sa nalalapit na job interview ko sa MFG at ELC medyo magkalayo at magkaibang company ang inapplayan ko dahil ang MFG ay nasa food industry at ang ELC naman ay lawfirm. Hindi ko alam kay Mama at Papa dahil di magkasundo kung saan ako mag aapply. Gusto ni Papa ay sa MFG habang si Mama naman ay sa ELC dahil kapwa may kakilala sila doon.

Nag suot ako ng beige colored long sleeve at black pencil skirt. Pinaka safe to wear sa mga interview for me. Nauna ang interview ko sa ELC at may pinapirmahan agad sila saaming mga applicant, hindi ko naman binasa gaano iyon at pumirma na lang kaagad.

Hindi naman naging maganda ang interview dahil napaka sungit ng nag interview saakin. May galit ba iyon saakin? Kung titignan hindi lang saakin, pati nadin sa mga naka sabay ko. Mukang ayaw mag hire ng nag iinterview at napilitan lamang. Nilibot ko naman ang panigin ko sa ELC habang palabas, hindi ito mukang lawfirm kala mo ay hotel sa ganda. Nadinig ko namang nag bubulungan ang mga nauna saking aplikante.

"Nako! Hindi tatanggap yan! Yung itsura pa lang nung nag interview ay ayaw ng may pumasa maging secretary nung gwapong Atty.!" inis na sambit ng babae sa harap ko

"Napansin mo din pala? Naku! Pinapasa nya eh kung hindi kasal na, maedad o di kaya hindi pinag pala ng kagandahang pang labas!" natawa naman ako may punto naman sila kaya't napailing na lang ako at umalis na doon

Nag taxi ako papuntang MFG, madami pa naman akong oras dahil pinutol kaagad ang una kong interview pero hindi ko din naman gusto makipag siksikan pa at alam kong oras din ng pasok at madaming estudyante! Kaya imbes na makasikip ay nag kawang gawa na lang ako at nag Taxi. Natawa naman ako sa dahilan ko. Nakita ko namang alangang tumingin saakin ang driver sa salamin nya, akala ata sira ang ulo ko kasi natawa ako mag isa. Im one hour early so nag antay ako sa waiting room pero hindi pa man ako nakakaupo ay hinatak na ako ng isang babae.

"You're late!" mag sasalita pa sana ako ng suotan nya ako ng trainee id at pinasunod sakanya "Ang pinaka matinding kasalanan dito ay ang pagiging late. Kaya't kung mahal mo ang trabaho mo agahan mo parati" tumango tango naman ako at dinala nya ako sa isang opisina may sumalubong naman agad saaming lalaki

"Ang aga mo namang stress Ms.Wilma" tumingin naman saakin ang lalaki at kumindat "Aba eto na ba ang bagong alay?" saka ito tumawa, alay?

"Una sa lahat Vilma ang pangalan ko. Pangalawa iready mo ang safety gear, at pang huli oo sya ang bagong alay" kinabahan naman akong bigla, teka interview pa lang bakit alay agad ako?

Pinasuot naman saakin ang safety helmet, mouth piece at gloves.

"Kada pupunta ka sa production area you need to wear that, the last thing we want is makakita o makakain ng human hair or anything aside from the product ang mga consumer. Ever since itinayo ang MFG ay wala pa ni isang reklamo about sanitary and whatsoever." Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa "Iwasan ang pagsuot ng mga damit na may butones, as much as possible mag dress ka na lang hindi naman strict sa dresscode lalo na't sa office ka" tumango tango naman ako

"Uhm Ms.Vilma ano po bang exact na trabaho ko? Saka hindi pa naman po ak-" nginitian naman ako neto at hinawakan sa balikat

"Secretary ka ng pinakamabagsik dito. Kaya tiisin mo hanggat kaya mo" saka nya ako tinapik tapik "Halika na sa office ipapakita ko sayo kung saan ang magiging boss mo"

Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit hired kaagad ako hindi pa naman ako na iinterview. Di ko na sila kinuwestyon at sumunod na lamang ako.

Inilibot nya ako sa office at itinuro ang mga taong pwede kong lapitan. Ang huli ay ang office ng magiging boss ko, nanlaki naman ako mata ko ng makita ko ang name plate sa table.

"Oh fuck" napatakip naman ako sa bibig ko ng tignan ako ni Ms.Vilma

"What's wrong?"

"K-kasi po ano-" bigla naman kami napatingin sa pinto ng bumukas ito at iniluwa si Storm!

"Sir this is Trina our new hired secretary for you" hindi naman tumingin saamin si Storm at dumiretso sa kanya swivel chair habang nag babasa ng mga dokumento siniko naman ako ni Ms.Vilma na mag pakilala kaya nag pakilala ako

"I-im your new Secretary po" tumingin ito saakin at kumunot ang noo

"Trina?" Humalukipkip ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa "I thought your name is Sunny" napalunok naman ako at napaisip oo nga no

"Yes, My name is Sunny who's Trina?" Nagkatinginan naman kaming tatlo at pumasok ang lalake kanina na may kasamang babae

"Im sorry to interrupt but this Trina Santos the new hired Secretary" nanlaki naman ang mata ni Ms.Vilma mag sasalita na sana ito tumayo si Storm

"What time is it?" Storm asked tinignan ko naman ako relos ko

"11:35" sagot ko

"Anong oras pinapunta dito ang bago kong Secretary Vilma?"

"9am Sir" tumango tango naman si Storm

"Anong oras ka dumating Sunny?"

"10am but my interview is at 11am" umiling naman si Storm at tinignan ang babae

"You" tumingin ang babae at itinuro ang sarili "Get out, hindi ko kailangan ng pabigat sa kumpanya ko. Unang araw ng pag pasok ay late ka na kaagad papaano pa sa susunod." Kinuha nya ang gamit nya sa gilid ng desk at tumayo "Sunny Follow me may meeting ako" tumango naman ako at sumunod sakanya palabas ng opisina

Nadinig ko naman ang pagtalak ni Ms.Vilma doon sa Trina at ang pag iyak nito habang papaalis kami ni Storm.




AN: sa mga nakabasa na ng naunang book2, oo iniba ko na talaga sya. Hindi ko na magawang idiretso gaya nung nauna so wag na malito. Thankyou sa mga nag babasa hanggang ngayon ❤ thanks sa support 😭❤🥺

Bearing a MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon