Bago ako lumabas ng bahay na inuupahan ko napatingin ako sa tyan ko ng matapat ako sa salamin , hindi na ito gaya ng dati makikita mong napakalaki na nito medyo nahihirapan na rin ako sa pag yuko dahil hindi ko na maipit ang aking tyan.
Pag dating ko sa clinic eh tinitignan ako ng mga mag asawa , napataas naman ang kilay ko. Ngayon lang ba sila naka kita ng Single Mother? Tss
"Mrs.Cornell" tawag ng isang nurse tumayo naman ako
"Ms.Cornell" saka ko siya nginitian nanlaki naman ang mata niya at nag hingi ng pasensya
Pag pasok ko sa loob eh nakaupo doon ang doktor at binabasa ata ang records ko. Umupo naman ako sa upuan sa tapat ng table nito kaya napatingin siya saakin.
"U-uh Im Tyrone Murray ako muna ang mag hahandle sa Clinic" tumango naman ako
Anak pala siya ni Doc Anna at siya muna ang mag hahandle ng Clinic dahil nasa ibang bansa daw si Doktora. Nag simula naman kami sa check-up at wala naman siyang nakitang kumplikasyon , nag reseta lamang siya ng vitamins.
"Next Check-up mag ultrasound tayo" tumango naman ako at lumabas na
Paglabas ko ng Clinic eh may itim na porsh ang tumigil sa harapan ko at pag baba ng bintana non eh napamura agad ako. Hingang malalim Sunny.
Nag simula naman ako maglakad palayo pero sinusundan niya ako kaya huminto na ako at hinarap siya.
"Ano bang problema mo?" iritang tanong ko dito
"Get in" napairap naman ako
"Ayaw ko" kumunot naman ang noo niya
"Dalian mo na kung ayaw mong kaladkarin pa kita" tumaas naman ang kilay ko
"Wala akong pake" saka ako nag para ng Tricycle at sumakay doon
At dahil makipot ang daanan hindi niya na ako nagawa pang sundan , gago ba siya hindi ako tanga para sumama sakanya malay ko ba kung anong gagawin niya saamin ng anak ko.
"Sunny umaano ka dito?" tanong saakin ni Lili na kasama kong umuupa sa bahay
"Bakit masama bang umuwi?" kumunot naman ang noo niya
"Wala na ang gamit mo dyan kinuha na ng asawa mo" nanlaki naman ang mata ko , sinong asawa? Kelan pa ako nag ka asawa?
"Sinong asawa? Wala akong asawa! Nanakawan ako!" dali dali naman akong pumasok sa kwarto at wala ng laman iyon
"Sunny asawa mo daw eh" mangiyak ngiyak na si Lili kaya hindi ko na sinigawan napahilot ako sa sintido ko
"Wala akong asawa Lili" mahinahon kong pag uulit sakanya
"Sigurado ka?" napatingin naman kami sa lalake na nakatayo sa pinto
"Umaano ka dito?" sinamaan ko agad siya ng tingin
"Susunduin ka , sabi ko naman kasi sayo sumakay ka na sa sasakyan ko diba?" napabuntong hininga naman ako
"Mr.Marcos what do you think you're doing?" natawa naman siya
"Masyado ka namang seryoso Sunny. Masama bang sunduin ang asawa ko?" saka siya ngumisi
"Im not your wife" nakita ko namang tulala parin si Lili na realize siguro na anak ng presidente ang nasa harap niya
"You're the mother of my Child and that makes me your husband , now less talking more moving malalate na tayo sa appointment natin" saka niya ako kinaladkad palabas ng bahay
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko ang mga lalakeng nakaitim na uniporme sa labas ng inuupahan ko , tss masyado talagang paagaw pansin ang isang to.
Nagulat ako ng pumunta kami sa City Hall ano namang gagawin namin dito?
"Anong gagawin natin dito?" tinignan naman niya ako saglit saka tinanggal ang suot niyang salamin
"Pipirma lang tayo ng ilang mga papel" tumaas naman ang kilay ko "Ok may kakausapin din tayo"
"Tungkol saan ba to Storm?" naguguluhang tanong ko nag abot naman siya sa akin ng isang folder at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman noon
"You see you dont have a choice Sunny. Only I have a choice" saka niya ako nginisihan
"Bakit mo ginagawa to?" pero bago pa niya ako masagot bumukas na ang pinto sa harap namin at ang nakangiting Judge ang bumungad saamin
Alam ko ang gusto niyang mangyari pero wala akong nagawa para tumanggi kasi wala akong option. Ayaw kong mapahamak ang buhay namin ng anak ko dahil lang sa hindi ko pag sunod sa kalokohan ng ama niyang gago.
"Congratulations Storm ikumusta mo na lang ako sa Daddy mo" saka kami kinamayan ng judge "Ang ganda mo hija bagay na bagay kayo" saka niya ako nginitian
"Salamat judge mauna na po kami" saka niya pinulupot ang kamay niya sa bewang ko
Wala kaming imik habang nag babyahe kami papunta sa kung saan wala na akong pake saan niya ako dalhin basta ang mahalaga hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak ng anak ko.
"Nandito na tayo" napatingin ako sa labas ng bintana at nasa isang malaking bahay kami
Pag pasok namin namangha ako sa laki nito kung anong ginanda ng labas ay siyang mas ginanda ng loob , makikita mo ang mga painting na gawa ng mga kilalang tao.
"Manang Josie andyan ba siya?" tanong ni Storm sa isang matandang babae
"Oo pababa na iyon nag palit lamang ng damit" sagot nito at nang mapadapo ang mata niya saakin eh nginitian niya ako ng matamis kaya nginitian ko din ang matanda
"Storm suicide ang plano mo pano kung malaman ng media iyon? At sinong babae naman ang nahatak mo na magpakasal say-" napatingin naman ako kay Jake naka simpleng white tshirt lamang siya at hanggang tuhod na short kitang kita ko ang gulat sa muka niya "S-sunny anong g-ginagawa mo dito" naramdaman ko naman ang pag akbay ni Storm
"Siya ang pinakasalan ko pinsan" saka ito ngumisi ng nakakaloko para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Jake at dali daling tumabi saakin at nilayo ako kay Storm
"Wtf Storm? Stop messing around hindi nakakatuwa" huminga naman ako ng malalim at nakita ko ang titig ni Storm na sabihin ko ang totoo kay Jake
"O-oo nag pakasal kami kanina lang" para namang napapasong nabitawan ni Jake ang kamay ko at nakita kong nagtiim ang panga nito
"Bakit siya Storm?" Tanong ni Jake
Nagkibit balikat naman si Storm at ngumiti ng matamis
"Ako daw ang ama ng bata eh" sabi niya napakuyom naman ang kamao ko 'daw' gago talaga
"Daw? Patawa ka Storm? Ikaw ang lalakeng nakauna at huli sakin tapos pag dududahan mo pa ang anak ko? Saka tarantado ka sinabi ko bang panagutan mo ko? Wag kang umasta na parang pinipikot kita gago ka!" Tumawa naman ako ng mahina "Kaya ako pumayag magpakasal sayo kanina kasi ayaw kong mapahamak kami ng anak ko pero wag mo isipin na dahil sayo kaya ako pumayag" tumingin ako kay Jake na walang ekspresyon
"Pasensya na sa abala Jake mauuna na ko" tumingin naman ako kay Storm na masama ang tingin sakin "Ibalik mo ang mga gamit ko sa bahay na inuupahan ko" saka ako nag lakad palabas ng bahay
BINABASA MO ANG
Bearing a Marcos
Cerita Pendek"This time I'll make sure we'll have our happily ever after without the end" Book1 and Book2 here