"Ang bigat!" Reklamo ko sa sarili ko habang dala ang samu't saring pagkain galing sa Cafeteria.
Ang malas ko naman!
Dapat kasi di na ko sumali sa pustahan nila eh. Ako tuloy nautusan.
Malas ko pa at naubusan ng supot sa cafeteria ngayon.
HAAAAAY!
Kaya mo yan Ish! Tiwala lang. Pag akyat mo ng hagdan tapos na. Tiis lang ng onti.
"Kyaa~!"
Kaso di pa ko nangangalahati, nadapa ako.
"Ahh! Shit naman oh."
Great. Just great. Nahulog yung ibang pagkain hanggang sa baba ng staircase.
Haaaaay..
Pinulot ko muna yung malapit sakin bago ako bumaba ulit.
"Tsk! Sabi sayo wag ka na sumali dun eh! Kawawa ka lang"
Tch!
"Tulungan mo na lang kaya ako magdampot kesa magbunganga ka jan?"
Nakakainis naman.
"Haha. Ang cute mo talagang magalit"
Di ko namalayang nasa tabi ko na pala siya hawak yung mga biscuit na nahulog sa baba.
Hinubad niya backpack niya "lagay mo na yan dito. Sabay na tayo pumunta sa club room."
Ginawa ko naman ang sinabi niya. "Bakit nga pala ngayon ka lang magpapractice?"
Nginitian niya lang ako. Alam ko na ibig sabihin niyan.
Nag LOL pa siya -_-"
Pagbukas pa lang ng pinto sumigaw na sila
"Nasan na yung pagkain! Gutom na kami!"
"Pagkain? Yun ba yung kinain namin ni Patricia papunta dito?" Sabay kamot pa niya sa ulo niya para mas lalong convincing ang acting niya.
"Bwiset ka Vincent! Balik mo samin pera namin!" Sigaw ni Lex.
Ngumiti lang siya tapos binato niya backpack niya sa kanila.
At parang patay gutom ang mga clubmates ko at kinalkal agad ang bag niya.
Napailing na lang ako.
"Bakit kung kelan break time na saka ka lang pupunta dito Vince? Ha?"
Sa sobrang buka ng bibig ni Alex sa pagsasalita, tumalsik ng kaunti ang pagkain mula sa bunganga niya.
Kadiri talaga tong babaeng to. Pasalamat siya bestfriend ko siya.
"Wag mo nang tanungin. Maiinis ka lang." Sabi ko sa kanya.
"Alam ko na nga kasi yung steps. Madali lang naman." Pagrarason niya.
"Perpekto ka kasi eh" halos pabulong na sabi ko.
Tumayo na lang ako para magpatuloy mag practice. Wala akong mapapala kung makikipag away ako sa mokong na yun.
"Teka magpapractice ka na? Sabay tayo" tumayo si Vincent at lumapit sa speaker para i-set ang kanta.
Kaso hindi yung contest piece namin ang tugtog kundi yung kantang saulong saulo ko na dahil sa ilang ulit na pagsayaw namin nito.
Napangiti ako ng konti.
Fall by justin bieber
(Play the video for added kilig factor)

BINABASA MO ANG
Bm
Teen FictionMy life without you is like the sound of the guitar plucking the chord B minor. Hearing that sorrowful sound. Over and over again. Started: May2016 Special thanks to: Shamraj17