Third Fret

9 1 0
                                    

Patricia's POV

Di ako mapakali. Hindi ako makapag practice nang maayos dahil sa inannounce ni ate Pearl kanina.

Bakit kasi kailangan pang joint practice? Ang daya naman eh.

Di ko alam kung bakit pero ayaw ko talagang makita at makasama yun.

Pano kaya kung di na lang ako sumama? Sabihin ko di ako pinayagan o may sakit ako nun. Kaso baka magalit sakin si ate Pearl.

Napatingin ako sa direction niya.

"Vincent! Mali ang final move mo! Ulitin mo sa umpisa!"

Sigaw ni ate Pearl kay Vincent na nasa harap niya lang.

Haaay. Di ko magawa. Bahala na nga.

"Bebe Ish! Kanina ka pa nakatulala diyan ah? Bakit? Gutom ka nanaman?"

Natauhan ako nung lumapit sakin si Andrea. Ang gluton sa amin.

"Ah. Hindi. May iniisip lang."

"Ok guys! Take five! Baka pagod na kayo." Sigaw ni ate Pearl.

Buti na lang dahil di ako makapag-concentrate sa practice.

Nilapitan ako ni Vincent at pinatong ang kamay sa magkabaliktad kong balikat "tara Ish! Bili tayo snacks!"

Bago pa ko makasagot, tinutulak niya na ko palabas ng dance hall

"Uy teka! Pabili din kami ng pagkain!" Sabi ng isa naming kagrupo.

"Ayoko! Solohin ko muna siya!" Sigaw ni Vincent pabalik.

Actually wala ako sa mood para makipag-harutan sa kanya ngayon. Problemado ako kung pano ko haharapin si Aron.

Tanga ko rin kasi eh. Inaway away ko pa siya nung summer tapos pagsisisihan ko rin sa huli.

Inaway ng walang dahilan. Tsk. Selosa mo talaga Ish! Wala naman kayo! Anong pinaglalaban mo?

(=_=) sumasakit ulo ko.

"Ish okay ka lang? Kanina ka pa wala sa mood ah? Gutom ka na ba?"

Isa pa to. "Hindi ako gutom. Bakit ba yun una niyong tinatanong sakin?"

"Haha. Ganyan kasi itsura mo pag gutom ka eh. Ano bang problema mo?"

Huminga ako ng malalim. Sige na nga. Sabihin ko na nga sa kanya.

"Naalala mo yung dating lalaki na kinukwento ko?"

Bigla naman siyang napaisip "ah. Yung pinagmumura mo sa chat ng walang dahilan? Oh bakit?"

(-_-)

"Kasama kasi yun sa banda. Kaya ayoko sana sumama sa joint practice na yan."

Bumili muna siya ng pagkain namin bago magsalita. Libre niya daw ako eh.

Bumili lang siya ng dalawang piattos at dalawang c2.

Umupo muna kami sa bakanteng table sa canteen.

"Edi wag ka umattend. Tara! Sabay tayo! Ayoko rin eh." Biglang kuminang mga mata niya.

Binatukan ko nga. "Ibig sabihin wala kang balak umattend? Aish!"

"Sus! Let go na! For sure balewala na yun sa kanya!"

Nagulat ako may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko si Carlo pala. Ang Vocalist ng school band. Bestfriend ko rin nung highschool.

Umupo siya sa table namin. "Hi Patricia! Musta?"

Tinignan ko siya ng masama "nakikichismis ka nanaman. Nagiging bakla ka na ba?"

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon