Second Fret

7 0 0
                                    

Patricia's POV

"AHAHAHAHA! Bwahahahaha! Kinginang yan. Crush mo lang pala eh! Nabroken hearted ka na agad! Hahahaha!"

Tawang tawang sabi ni Alex. Halos umiyak na siya sa kakatawa eh.

Nakakainis na tong babaeng to ha!

Nakwento ko kasi sa kanya ang buong storya habang papunta kami dito sa National Bookstore.

Binatukan ko siya "hoy babae! San mo natutunan ang salitang yan? Kababae mong tao ang dumi dumi ng bunganga mo"

"Sorry :(" hinihimas niya ang batok niya. Kala mo naging maamo eh.

Bigla niya kong hinawakan sa braso "pero di nga. Yun lang yun? Yun lang reason mo kung bakit iniiwasan mo siya? Hahaha! What a really dumb thing to do." Bumitaw siya at pumalo sa braso ko.

"Dumb thing to do yun?! Eh ang pagsunod mo kay Shamraj hindi ba yun dumb?! Para kang asong naghahabol oy!"

Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad.

Oh no. Maybe I went too far.

Nilingon ko siya at nakita kong nakatulala siya at ngumingiting wagas.

Akala ko naman iiyak na siya. Yun pala biglang nagdaydream lang.

"Siya na ang prince charming ko~! >///<"

Ay tuluyan nang nabaliw ang gaga.

Hinila ko na siya sa kamay "tara na! Nakakahiya ka! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Para kasing baliw. Tinatakwil at nilalayo na nga siya ni Raj tapos todo lapit pa rin. Nagpapapansin pa rin kahit naiinis na si Shamraj sa kanya.

"Siyang siya yung dinescribe ko sayo eh. Dapat pala matagal ko nang sinabi sayo ang type ko sa lalaki. Di ko naman alam na magkakatotoo agad." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

Agad ko tong pinahid sa kamay ko "yuck! Natotomboy ka na sakin ah"

"Salamat Ish! Ikaw ang lucky charm ko."

Tumingin ako sa kanya. Ngiting ngiti talaga siya.

Tsk. Iba talaga pag tinamaan na ng pana ni kupido. Nababaliw sa pag ibig.

Siguro ganyan din ako dati. Parang tangang nangangarap na mapansin ng lalaking gusto niya. Na humihiling na sana tignan bilang babae at hindi lang bilang isang kaibigan.

Tch. Siguro ako lang yun. Haaay.

Ngayong naiisip ko to, unti unti kong nararamdaman ang pagiging tanga ko.

"Gusto mo pa ba siya?"

"Hindi." Diretsyo kong sagot.

"Heh. Ang bilis sumagot ah." Nakangiti siyang nakakaloko.

"Umuwi na nga tayo. Inaasar mo lang ako eh"

Inunahan ko na siya sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep.

Pagkaupo ko tumabi naman siya sakin.

"Nga pala Ish.. Bakit di ko na nakikitang kasama mo yung mga kaibigan mo dati?"

Napayuko ako "they're not my friends anymore. They thought I hang out with them because I was a social climber."

Iniwan rin ako ng mga taong akala ko kaibigan talaga turing sakin. Tsk. Di ko sila kailangan.

Mga plastik naman mga yun. Mga santa santita pero may tinatago ring kulo.

Tama nga mga sabi nila. Habang tumatagal, lumalabas din ang totoong kulay ng tao.

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon