fifth fret

9 0 0
                                    


Alex's POV

Dumb brain! Why did you make me cry like that?! Magang maga na mata ko.

Di ka pa nakuntento. Hinayaan mo pa kong sumakay ng jeep na ganun.

What were you thinking brain?! Hah. Nababaliw na ko.

Di ko alam kung bakit pa ko bumaba sa subdivision namin, I don't have a place called home. Di yun uso sa bahay namin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Sa park na nga lang ako. Mananakot na lang ako ng mga bata.

Pagdating ko sa park wala ng mga bata. Mga street vendors na lang nandito.

Sa bagay. Magdidilim na rin kasi.

Naupo ako sa swing at yumuko para ipagpatuloy ang pag iyak.

Hah. What a life. Wala akong taong matatawag na pamilya; Inaway ko ang nag-iisang babaeng talagang naiintindihan ako; Nagmukha pa kong tanga sa unang lalaking sumakto sa description ko na perfect guy.

Bakit ko pa kasi kailangang sumabog ng ganun? Bakit kasi sobrang iyakin ko? Bakit sa kanya ko pa nabaling problema ko sa pamilya ko? Di niya naman kasalanan na ganun buhay ko pero bigla na lang lumabas. Siguro napuno na sama ng loob ko kaya bigla na lang akong sumabog ng ganun.

She was right. I shouldn't have interfered with her business. Dapat nanahimik na lang ako nun at di na nangealam. Napalala ko lang siguro problema niya.

Ako talaga yung walang kwentang kaibigan eh.

Di niya na ko mapapatawad. Mawawalan na ko ng bestfriend. Mawawalan na ko ng taong mag aalaga at iintindi sakin.

For some reason, di ako makatigil sa pag iyak. Tuloy tuloy lang ang pag bagsak ng mga luha mula sa mata ko. Buti na lang talaga at walang tao dito.

O baka meron di ko lang nakikita dahil umiiyak ako dito? Kung meron siguro tinatawanan lang nila ako.

Maybe I should end my life now? It doesn't have any significant meaning anyway. And besides, no one cares about me anymore.

Naramdaman kong may papalapit sakin.

The sounds of the stepped on grass is getting louder. The person sat next to me in the swing.

"Patricia?" Mahinang bulong ko.

Hindi siya sumagot.

Assumera lang ako. Baka bata lang tong gustong maglaro ng swing.

Hindi ako pupuntahan nun. Nagalit na siguro sakin yun ngayon.

Naramdaman kong may pumandong sa ulunan ko.

Jacket?

Titignan ko na sana kung sino kaso nagsalita siya "don't look at me"

Kaya napayuko na lang ulit ako.

I know that voice anywhere.

It's him.

Bakit nandito siya? Hinanap niya ko? Nagaalala ba siya para sakin?

I felt butterflies in my stomach.

"What they say is surprisingly true. People who smiles the most are the loneliest people."

T-teka. Tutulo na uhog ko. Sininghot ko to pabalik.

Wrong move! Ahh!! Nakakahiya! Suminghot ako sa harap niya!

"Here. Take it." Inoffer niya ang putung panyo niya sa harap ng mukha ko. "It's clean. Don't worry."

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon