Sixth Freth

7 0 0
                                    

Patricia's POV

"Ish! Ano? Tara na?" Inilahad niya sakin ang maputing kamay para hawakan.

Hinawakan ko ito ng mahigpit.

Ang lambot. Ang puti. Kung hindi lang dahil sa boses niya napagkamalan ko na siyang babae.

Bumuntong hininga ako.

Muli siyang nagsalita "masaya ka ba?"

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Gusto kong magsalita pero bakit walang lumalabas na boses mula sa bunganga ko?

~~
"Ish! Gising na! Ish! Malelate na tayo sa school!"

Bigla akong napaupo sa sinabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.

"Leche ka Lex! Sabado ngayon!" Sigaw ko sa kanya.

Nahiga ulit ako para matulog pero niyuyugyog niya ko.

Pisti talaga. Inaantok pa ko eh. Istorbo naman to sa beauty rest ko.

Tsaka di ba to inaantok? Halos alas-dos na kami natulog kagabi ah.

"Waaah. Dali na. Bonding tayo~. Habang tayo lang ang tao dito sa bahay niyo party party tayo!" Nagsimula na siyang magtatalon sa kama ko.

Napadilat ako sa sinabi niya "bakit? Nasan sila mama?"

"Nag-date. Ayaw daw nilang makasama ang anak nilang mabaho eh."

Binato ko nga ng unan.

"Hoy gaga! Mabaho ka jan! Sipain kita eh. Bakit di niyo man lang ako ginising?" Naiirita kong tanong.

Umalis sila mama tapos di man lang nagpaalam sakin? Ang sakit naman nun.

Tumalon na paalis ng kama ko si Alex. "Ginising ka namin! Kaso umutot ka ng malakas at mabahi kaya nag evacuate kami agad."

Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. A-ako? Umutot? Hah. Medyo tomboyin ako pero hindi ako naglalabas ng malakas na poison gas!

I'm more of a silent killer.

"Hoy kapal mo ah! Ako? Ganun umutot?" Tinuro ko sarili ko.

"Oo! Nagulat nga kami eh. Ang alam namin ikaw yung tahimik na umuutot pag may kausap eh. Kanina binulgar mo talaga utot mo. Hahahahaha!" Nakahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa.

Naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko.

Tumayo na ko at hinabol si Alex kaso nakalabas na siya ng pinto.

"Nakakahiya ka Ish! Kababae mong tao ang lakas mo umutot! Labas mo na yan!"

Rinig kong sigaw niya galing dun sa kabilang side ng pinto.

"Humanda ka sakin paglabas ko!" Sigaw ko pabalik.

Dumiretso ako sa cr para magtoothbrush at magayos.

Pagkahawak ng kamay ko sa lababo biglang nanginig ito kaya napaalis ang hawak ko.

Tinignan ko kamay ko. Bakit? Bakit nanginig?

Ish! Ano? Tara na?

Naalala ko na...

Ito yung kamay kong hinawakan sa panaginip ko.

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon