9th Fret

5 1 0
                                    

And Jeon Jungkook as Aron

And Jeon Jungkook as Aron

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patricia's POV

"Huy. Teka. Bakit?"

Kahit nakalabas na kami ng palaruan, hila niya pa rin ako.

"Huy! Ano ba? Sabihin mo kung bakit ka nagmamadali?"

Ngayon lang siya ganito. Kadalasan siya yung reason kung bakit ginagabi ako ng pag uwi tapos ngayon pinapauwi niya na ako ng maaga.

Hah. Gulo rin nito eh.

Binitawan niya ko ng makalabas na kami ng mall.

Inulit ko tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako. Blank expression ang mukha niya.

Kinamot niya ulo niya bago magsalita "ang daming nakatingin sayo. Napansin nilang ikaw lang ang babae. Kung ano ano iniisip nila."

Huh?

"Eh diba pag tayong magkakagrupo magkasama, kadalasan mag isang babae rin ako? Tomboy ako. Paki nila?" Napataas tono ng boses ko.

He sighed. "Tara na."

Ang boring naman nito.

Sus. Ngayon pa siya nagalala ng ganun? Lagi akong mag isang babae. Kadalasan limang lalaki pa nga silang kasama ko eh.

That's not different from earlier. Mas onti pa nga kasama kong lalaki ngayon eh. Dapat nga magdiwang siya eh.

Bakit ganyan siya ngayon? He's different.

"Hi tito, tita"

Bati niya pag dating namin sa bahay. Saktong naghahanda na sila para kumain.

"Bakit parang ang aga niyo ngayon? Mamaya ko pa ineexpect na umuwi kayo." Sabi ni mama.

Tinignan ko yung relo. 6:00.

Kahit ako di makapaniwala eh.

"Dito ka na maghapunan Vincent." Yaya ni papa sa kanya.

Di yan tatanggi. Pagkain eh.

Habang kumakain nagkakaroon ng tawanan.

Close na talaga si papa at si Vincent. Ano kayang pinag usapan nila kanina?

Gusto ko tuloy malaman.

Maraming taong nagsasabing nakakatakot daw si daddy. Kaya kadalasan siya rin dahilan kung bakit wala akong boyfriend eh.

Pero pano kaya nalaman ni Vincent na mabait talaga siya?

"Kamusta naman anak ko sa school?" Tanong ni papa kay Vincent

At yun na nga ang tanong. Ayokong marinig sagot niya! Ilalaglag niya lang ako kay papa.

"Actually po magaling po siya. Mataas naman po mga grades niya at pala-recite siya. Active rin po siya sa dance troupe. Kasali po kami sa battle of the dance 2 weeks from now."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon