Fourth Fret

15 0 0
                                    

Patricia's POV

Hindi ako makapagsalita. Nakatulala lang ako sa lalaking nakangiti na nasa laptop. Di pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyayari ngayon.

Kanina pa ba siya nandyan? Nakikinig ba siya? Bakit di man lang siya nagsalita?

At bakit naman tinago to ni Shamraj?! Akala ko ayaw niya lang tignan si Alex kaya kunyari may binubutingting siya sa laptop.

Pisti siya ah! Way niya ba to ng revenge sakin kasi nakilala niya si Alex dahil sakin?! Di ko naman kasalanan yun ah!

Di ko tuloy alam kung pano harapin ngayon si Aron.

Ano na lang sasabihin ko? Magsorry dun sa nakakahiyang ginawa ko?

"Pre kanina ka pa pala nakikinig?" Tanong ni David.

"Bro andito si Patty para magsorry sa katangahang ginawa niya raw." Sambit ni Martin at inakbayan ako.

Siniko ko siya ng patago pero nginitian niya lang ako.

Ayt! Sarap sapakin!

Nakita ko namang natatawa na si Raj sa likod ng laptop.

Patay ka sakin Raj kala mo ba?! Hah. Di ko malilimutan to!

"Teka anong katangahan? Parang dalawa katangahan niya eh."

Napalingon kami sa nagsalita.

Si Carlo pala. Naglalakad papunta samin habang dinidilaan kamay niya.

As in kamay niya. Hindi daliri. Yuck.

"Ang una yung pinagmumura ka niya sa chat ng walang dahilan-"

Napayuko ako at tinakpan ang mukha ko ng kamay ko.

(>_<) gusto ko ng umalis dito.

"-at ang pangalawa"  lumapit siya sa tenga ko at binulong ang pangalawa  "nainlove sayo"

Naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa kilig.

Sheeeet! Of paper!

Buti na lang talaga mahina lang yun at ako lang talaga ang nakarinig.

Biglang pumagitna naman si Alex

"A-ah kuya Aron gusto nga po pala mag sorry ng bestfriend ko sa ginawa niya."  Lumapit siya sa screen  "Red tide kasi niya nun kaya nagwala siya sa sakit"

Napatawa silang lahat sa sinabi ni Alex. Pati na rin si Aron.

Pisting yan. AAAAAAAH! Hiyang hiya na ko! Ayoko na talagang umattend!

"A-ah Alex diba may gagawin pa tayo sa bahay niyo ngayon? Tara na" hinawakan ko na siya sa braso at hinila palabas.

"Hala Ish! Joke lang! Biruan lang! Sorry na!" Sigaw ng lalaking nasa laptop.

Kahit parang iba ang boses niya dahil galing sa laptop, andun pa rin ang concern. Nararamdaman kong sincere siya.

Bakit ganun? Ang bilis ko namang maniwala dun?

Napabuntong hininga na lang ako.

"Ano ba yan Ish eh! Di tuloy ako nakapag-goodbye kay bebeloves ko" pagmamaktol ni Alex with matching pout pa.

Medyo nakakainis na to eh.

Medyo pa lang naman .

Binitawan ko ang kamay niya paglabas ng campus at tumigil saglit.

"Sa tingin mo ba nakakatuwa ginawa mo? Grabe. Napahiya ako dun! Kung alam mo lang! Pwede ka namang manahimik lang sa isang tabi diba? Bakit kinailangan mo pang magbida ng ganun? Some friend you are." Bulyaw ko sa kanya.

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon