Seventh Fret

8 0 0
                                    

Patricia's POV

"Fafa Vincent! Namiss kita." Kumapit ng mahigpit si Chester sa braso niya.

Ngumiti si Vincent ng pilit "dapat di ka na bumalik eh. Pasalamat talaga ako at di ka na nagaaral dito" mariin niyang sabi.
Pilit namang inaalis ni Vincent ang pagkapulupot ni Chester sa braso niya.

Tinignan niya ko ng masama. Natatawa lang ako.

"Ish naman eh. Bakit nagdala ka pa ng hangin pagpunta mo dito?" Bulong ni Alex sakin.

Magkakatabi kami ngayong nakaupo sa park. Katabi ni Vincent sa kaliwa si chester at ako naman sa kanan. Katabi ko si Alex kasi ayaw niya makialam kay Vincent at kay bakla.

Kinurot ko siya sa gilid "baliw ka! Di na ko umutot! Kanina ka pa ah."

Nakita kong ngumiti siya ng nakakaloko.

"Shunga hindi yun! Alam ko amoy ng utot mo. Sabi ko bakit dinala mo yang bakulaw na yan! Akala ko ba tayong tatlo lang ni baks?" Sinimangutan ako ng bruha.

Ahhh... Akala ko nangaasar nanaman siya eh. -_-"

Nakakahiya! Buti na lang talaga pabulong kaming naguusap! (>_<)

May naramdaman akong kamay sa likuran ko.

Binatukan ni Vince si Alex "oist. Bakulaw ka jan? Itong mukhang to?" Iniwan niya kamay niya sa balikat ko.

T-teka? Narinig niya pinaguusapan namin?

WAAAAAH!

Naramdaman ko nanaman ang pamumula ng mukha ko. Dahil sa hiya!

Palihim akong tumingin kay Vincent para tignan reaksyon niya.

(O_O) nakangiti siya sakin.

Agad ko namang iniwas tingin ko.

Inalis ni Alex pagkakaakbay ni Vincent sakin "wag mo ngang lagyan ng germs mo si Ish! Leche ka ah. Kala mo gwapo habulin lang naman ng bakla"

Halos pabulong na yung huling sinabi niya.

"Fafa Vince ako na lang akbayan mo. Okay lang kung may germs" pilit nilalagay ni Chester ang kamay ni Vincent sa balikat niya pero di ito nagpapaawat.

Tumayo bigla si Vincent "uy oh. May nagbebenta ng Ice cream. Alex bili kayo ni bakla dun oh." Inilabas niya ang wallet niya at nagbigay ng pera kay Alex.

Tumayo rin si Bakla "Excuse me. I prefer to be called Chesca."

Nagtaray pa si Chesca-- este bakla.

Ano ba yan. Ang gulo na nila.

"Wag ka na makipagtalo jan baks. Bili na lang tayo"

Hinila na ni Alex si Bakla papunta sa nagbebenta ng Ice cream.

"Chesca nga kasi!"

Umupo uli sa tabi ko si Vincent.

"Ish okay na daliri mo?" Hinawakan niya kamay ko.

"Ish! Ano? Tara na?"

Bigla kong naalala yung panaginip ko kanina.

"A-ah. Okay na. Salamat sa pagpapagamot mo. May future ka na." Pagloloko ko sa kanya.

Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Ish.. Uhm.. Ano.." Sabi niya sabay kamot sa batok.

"Ha?"

Anong sabi niya? Di ko maintindihan. Nag iinarte nanaman ba to?

Huminga siya ng malalim "pwede ka bukas?"

BmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon